Cool off?

400 0 0
                                    

CHAPTER 19

JHELLE’S POV

                Naramdaman ko na parang may mahapdi at kumikirot sa may part noo ko.

Unti unti kong dinilat yung mata ko.

Teka bakit parang di ko ito kwarto. Puro puti. And that sounds.

At tama nga ako nasa hospital ako.

Pero paano ako napunta dito.

As far as I remember hinahabol ko si Vince kanina. Hanggang sa maramdaman kong may dugo nap ala sa noo ko.

                Oo nga pala umandar nga pala yung katangahan ko kanina. Matagal ko ng di binabaon yun bakit kanina nadala ko.

                Naramdaman ko din na may bumuhat sakin kanina bago ako tuluyang mawalan ng malay di ko nga lang pinagaksayahan ng panahon para alamin kung sino sya. Paano naman kasi hilong hilo na ako.

                Sa pagkakaalala ko din nagising ako kanina sa loob ng isang kotse at mukha ni Vince ang nakita ko.

Siguro namalikmata lang ako kanina kakaisip sa kanya. Saka sya yung target ko kanina diba.

Baka napaparanoid lang ako.

Imposibleng kasama ko sya kanina. Diba nga iniiwasan nya ako kahit anong gawin ko kahit nga magmukha na akong tanga. Di nya ako pinapansin.

                Unti-unti kong ginala yung mata ko sa loob ng hospital room nagulat ako sa nakita ko kung sino yung nakahiga dun sa sofa at tulog na tulog halatang puyat ta pagod.

                KURAP…….

                KURAP…….

                KURAP…..

                PINDOT SA PISNGI………

                Teka totoo ba itong nakikita ko o namamalikmata lang ba ako o baka naman nananaginip lang ako???

                KUROT SA PISNGI

                HILA SA BUHOK.

Pero hindi e. Nasasaktan ako sa ginagawa ko sa sarili ko.

Anong ginagawa nya dito???

                Don’t tell me di ako nanaginip o nag-iilusyon na sya yung nagdala sakin dito sa hospital at kotse nya yung ginamit namin? Meaning sya din yung sumalo sakin kanina nung feeling ko bubuwal na talaga ako.

Gusto kong kiligin sa ginawa nya sakin. Ano ito para lang akong timang girlfriend nya ako. Kaya malamang na di nya ako papabayaan.

Kaya lang para kasing bago yun. Kasi nga diba almost 1 week na nya kong binabalewala.

Haist !!!! gulonhg gulo na ako sa mga nangyayari.

Sasabunutan ko na sana yung sarili ko nung ang matinggo ko ay yung benda sa gawing noo ko.

                Sobrang sakit. Gusto kong sumigaw kaya lang ayoko namang magising si Vunce obvious naman kasing puyat sya.

Teka anong oras na ba?

Tumingin ako sa may wall clock.

9:00 am??

Ibig sabihin kagabi pa ko nandito? Hmm sigurado naman ako di ako hahanapin sa bahay.

 Paano si Vince?

Teka yan din yung suot nya kahapon.

Meaning binantayan nya ako sa buong magdamag. How sweet naman. Ganun nya ko kamahal?????? Sadyang sinsapian lang sya ng evil spirit this past few days.

FALSE ALARM !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon