FLirt

276 3 1
                                    

CHAPTER 28

JHELLE’S POV

                Kung tatanungin nyo ko. How’s my life as a married woman?

                Isa lang sasagot ko.

                Di ko alam.

Kasi di ko naman ramdam ang pagiging married ko. Di dahil  di naman kami nagsesex ni Vince.  Kasi di naman batayan ang pagsesex para masabing married kayo. Kasi yung life ko after our wedding ganuon pa di  parang dalaga pa din ako. Although need kong mag-adjust kahit papaano  kasi sa bahay na nila kami nakatira at sa iisang room lang kami natutulog.

But more than that?

 Wala na .

                Yes, I  always try to wake up early to prepare breakfast for him. Kaya lang lagi lang nasasayang  kasi di naman nya pinapansin. Lagi nyang sinasabi busog sya or sa school na lang daw sya kakain.

Masakit para sakin yun. Everyone knows how much I really hate being rejected but in this case do I have choice?

Minsan gusto kong umiyak pero pinipgilan ko na lang. Alam ko nagtataka din yung mga katulong nila kung paano ako tratuhin ni Vince. Pero instead na mag-explain sa kanila nagsmile na lang ako para ipakita sa kanila na okay lang ako. Sinasabi ko na lang na stress lang sa school si Vince. Like busy sa thesis.

                Lagi ko din namang hinahanda yung uniform nya bago sya pumasok sa school pero pag wash day di nya sinusuot kung ano mang damit yung pinipili ko. Di rin kami naguusap pag kaming dalawa lang. Yun  nga lang pagkaharap yung family nya at ang family ko we have to act as if we are real married couple. Kailangan magmukhang inlove kami sa isa’t isa. Diba  para lang kaming tanga.

Or shall I say  para lang akong tanga kasi pumapayag akong ganitong set up?

 Dahil kung sumama ako kay best di ko kailangang maranasan lahat ng ito.

Siguro nga minsan part ng pagmamahal yung nagiging tanga tayo sa buhay natin. Kasi mas pinipili nating magstay sa isang bagay na gusto ng puso natin kaysa piliin ang isang bagay na mas makakabuti para satin.

                Nandito ako ngayon sa may park sa loob ng school dun sa madalas kong tambayan pag namimiss ko dati si Vince. Maaga kasi kaming dinismiss nung prof namin. Dito ko na lang din hihintayin si Vince since bago naman sya makarating sa parking lot kailangan nyang dumaan dito.

                “Jhelle?” bati sakin nung tumabi sakin.

                “Arbie ikaw pala” sabi ko naman.

                “ANo ginagawa mo dito?” tanong nya sakin.

                “Wala lang, maaga kasi kami dinismiss nung prof namin e” sagot ko naman

                “Maaga pa wah, gusto mo sumama ka na lang samin. Shot kami ngayon e” pagaaya nya sakin.

                “Ano kasi baka magalit sakin si Vince. Dito na lang ako hihintayin ko na lang sya dito kailangan kasi sabay kaming umuwi. “ tanggi ko sa pagaaya nya.

Di naman kasi pwedeng sumama na lang ako basta basta kahit ba sabihing barkada naman ni Vince yung nagaaya sakin. Kasal na ko so kailangan maging maingat na ako sa mga desisyon na gagawin ko.

                “Sinong hihintayin mo dito? Mamumuti ang mata mo dito kakahintay pero di dadating yun. Kanina pa nandun si Vince.”  Paglalaglag nya kay Vince

FALSE ALARM !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon