Accidentally confrontation

369 0 0
                                        

CHAPTER 23

JHELLE’S POV

                                One week na ang lumipas. Alam kong mali yung ginawa kong tangkang pagkakamatay. Tama naman kasi si Clarisse di ko dapat sayangin yung buhay ko ng dahil lang sa kanya.

                Eighteen years nagpakahirap ang mga magulang ko mabigay lang lahat ng gusto ko tapos sasayangin ko lang dahil sa isang lalaki.

                Sa loob din ng one week na yan. Ganun katagal din akong binabantayan nung 3 loyal friends ko. Shifting sila. si Clarisse nga kulang na lang samin  na tumira. At idikit sa katawan ko. Di kaya sya nagsasawa sa beautiful face ko.

                Nakapagpromise naman ako na di ko na ulit gagawin yun. At totoo yun.

                Nandito kami ngayon sa mall. Ano pa nga ba gagawin namin dito. Adeh shoping galore. Nakakamiss din gawin ito. Pero bago yun dumaan muna kami sa Fastfood. Kahit gustong gusto kong kumain ng Pizza pinigilan ko muna yung sarili ko. 

                Kailangan kong iwasan muna yung  bagay na magpapaalala sakin kay Vince para naman makamove on na agad ako. Para maging normal na ulit yung buhay ko.

                Nagprisinta na ako kay Clarisse na ako na lang ang oorder.

                Pagkakuha ko sa counter bigla naman ako nakaramdam ng hilo. Sa totoo lang di pa talaga ako nagpapacheck up kahit ilang beses na akong kinukulit ni Clarisse.

                Natatakot kasi ako na baka totoo nga yung hula nya na baka buntis ako. Paano na yung pagaaral ko. Di ko naman iniisip yung sasabihin ng iba kung maaga man akong mbuntis. Wala akong pakielam sa kanila di naman nila ako napakain kaya wala silang karapatang husgahan ako.

                Ang iniisip ko ay kung paano ko sasabihin sa parents ko. Ang dami ko ng ginawa na kina-dissappoint nila dadadagdagan ko pa ba. At sa tingin ko ito na yung pinakaworst.

                At ang pinakakatatakutan ko. Mabubuntis ako ng walang ama yung anak ko.  Obvious naman na wala ng pakielam sakin si Vince after kong madinig yung mga sinabi nya nung nasa tambayan kami.

                Bahala na.

                Pagkakuha ko nung order ko sa counter bigal namang may tumayo sa gawing likod na naging reason para matapon yung softdrinks. Pareho kaming natapunan.

                “Ano ba?” sigaw sakin nung babae

                “Sorry Miss” sagot ko.

                “Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo” sigaw ulit sakin nung babae

Dahil nahihilo nga ako wala na akong balak makkipagtalo sa kanya. Akmang hahakbang na ako nung bigla nya akong pigilan sa braso.

                “Where do you think you’re going?” hinigpitan pa nya yung hawak.

                “N-nasasaktan ako” tumingin ako sa braso ko na sa tingin kong pulng pula na.

                “Wag mo kasi akong tinatalikuran kapag kinakausap kita.” Sigaw nya ulit sakin, tumingin ako sa paligid namin, nakita kong pinagtitinginan na kami.

                “What’s going on here?” nakalapit na pala samin si Clarisse.

Magsasalita na sana ako kaya lang inunahan ako nung babae.

FALSE ALARM !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon