CHAPTER 12
JHELLE’S POV
Sa lahat ng ginagawang effort ni Vince gusto ko na talagang maniwala na serious talaga sya sakin. Kaya lang feeling ko may part ng pagkatao ko na natatakot talaga. Natatakot magkamali at masaktan ng sobra.
Kasi aminin ko man at hindi mahal ko na talaga sya. Di ko naman napigilan kasi kusa ko syang naramdaman kahit anong gawin.
Kahit ilang ulit pang sabihin ng iba na di marunong magseryoso ng babae si Vince. Siguro nga bingi na yung puso ko.
At ang pinakamalaking problem dun.Di ko pa nakukwento sa bestfriend kong si Harvey yung tungkol kay Vince. Paano naman kasi super busy na sya. Magkita man kami sa school nag-ngingitian lang kami. Wala ng bonding.
Miss na miss ko na nga yun e.
Huling dalaw ko sa kanila di pa kami nag-abot. Pero sabi ni tita medyo okay na daw si tito meaning malapit ng magigng di gaanong busy si Harvey.
Magkakaroon na ako ng chance para makausap sya. At magkwento
Alam ko magkakilala na silang dalawa. Barkada sila e. Ako lang naman ang baguhan sa barkadahan.
Kaya lang paano na lang kung kumontra si best kay Vince. Saka nakapangako nga pala ako sa kanya na di na muna ako magbo-boyfriend.
Pero di ba nga this time di ko na pinagtitripan yung guy. Im fuckin serious.
Hay di ko na alam yung gagawin ko.
They’re both important for me. Di naman siguro aabot sa point na kailangan kong pumili between them. Saka di naman ako matitiis ni Harvey.
Bahala na nga.
“Hoy Jhelle di ka ba pupunta sa mall?” tanong sakin ni Clarisse. Uwian na kasi namin at tinatamad pa kaming umuwi.
“Bakit? Ano naman gagawin ko dun? Manlilibre ka ba?” balik kong tanong sa kanya
“Sira ka ba? Birthday kaya bukas ni Vince your love. Di mo ba alam?” tinapik pa nya ako sa balikat.
Ako naman naapayuko. Kasi feeling ko ako lang ang di nakakaalam na birthday nya bukas. Nakakahiya !
Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko.
“Tara na !” aya ko sa kanya
“Saan naman?” sya naman ngayon ang nagtanong
“Sa mall, bibili ako ng gift para sa kanya. Kaya bilisan mo na dyan” hinila ko na sya patayo sa kinauupuan nya
“ Teka wag masyadong excited. Maaga pa di naman agad magsasara yung mall” inabot nya na yung bag nya.
“Basta. Ang hirap kayang pumili ng regalo para sa lalaki” pagdadahilan ko.
“Naku naman” napakamot sya ng ulo pero sasama din naman pala
>>>>Sa mall<<<<<
“Alam mo Clarisse. Ilang araw ko na ding pinagiisipan kung sasagutin ko na ba sya. At since nalaman kong birthday nya bukas. Sasagutin ko na rin sya” amin ko habang nasa loob kami ng department store.
BINABASA MO ANG
FALSE ALARM !
Genç KurguSome says when you love someone you have to give up everything. Including your virginity? is that really mean love or lust?