SHE'S BACK !!!!!!!!!!

69 0 0
                                    

Chapter31 

                At ayun nga dumaan ang mahigit 2 months na wala kaming naging matinding away ng gwapo kong asawa.. Siguro hindi lang talaga mawawala minsan yung konting drama kapag nale-late ako ng uwi. Ano kayang magagawa nya? Graduating student ako. Pero saglit lang naman naayos din agad namin yung ganoong kasimple tampuhan.

Ewan ko ba lahat ng lang yata ng bagay pinagseselosan nya.

                Oops oo nga pala nakalimutan kong sabihin sa inyo birthday nga pala nya bukas. At may plan akong i-surprise sya dahil mukhang dahil sa pagiging busy nya sa work nya sa company nila nakalimutan na yata nya kung ano mang okasyon mayroon bukas.

                Isa pa nga pala may sarili na kaming bahay. Gift yun ni Mommy a month ago. And since weekdays ngayon at busy sya sa work sa driver na lang ako nagpahatid para mag-grocery. Tatawagan ko na lang mamaya si Cindy para tulungan ako.

                Ang cute ng bonding namin diba? Parang kami yung tunay na magkapatid kasi sa totoo lang pag nag-aaway kami ni Vince sakin laging kumakampi si Cindy.

                After less than 20 minutes nakarating na din ako sa destination ko.And since malapit lang naman yung condo na tinutuluyan ni Cindy tinext ko na magkita na lang kami sa loob ng grocery.

                Di naman halatang sobrang excited ako sa ginagawa ko. Kasi habang kumukuha ako ng pushcart pakanta kanta pa ako. Buti na lang pala gumawa na ako ng list para sa mga need kong bilhin para maiiwasan kong mahilo.  Pero bakit parang ang dami ko na yatang nailalagay sa pushcart ko kahit anino ni Cindy di ko pa din nakikita.

                Pabalik na sana ako kung saan ko iniwan yung pushcart nung may isang girl akong nakabangga.

                “Sorry Miss” sabi ko habang isa-isa kong pinupulot yung mga dala kong nalaglag.

                “No its okay.. okay ka lang?” tanong naman nya sakin

                “Yeah, I’m okay..thanks” sabi ko naman after nyang iabot sakin yung iba pang dala ko na nahulog.

                “Are you sure? Baka hindi I feel so guilty once di ka naman pala okay.” Concern na concern nyang tanong.

                “I’m very sure. Sorry nga pala kung may pagka clumsy ako pati tuloy ikaw naistorbo ko.” sabi ko naman

                “No, it’s okay it’s not your fault ako naman yung may kasalanan kasi di ko tinignan yung dinadaanan ko.” pag-eexplain nya.

                “Ganun  ba? by the way I’m jhe---------“ di ko na natuloy pa yung sasabihin ko kasi bigla na lang syang nagsalita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FALSE ALARM !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon