CHAPTER 7
JHELLE’S POV
Hilong hilo na talaga ako buti na lang nandito si Vince para masandalan ko.
Wala kasi Harvey kaya walang nagbabawal sakin. Kaya ayun napadami yata yung inom ko. Pero kung nandito yun . Sigurado akong kanina pa ako naihatid nun pauwi.
Actually caring naman si Vince kasi nung naramdaman nya sigurong hilo na ko kaya di na rin nya ako pinainom. Tapos pinasandal pa nya ako sa balikat nya.
Kahit na minsan madalas akong naiinis sa kanya. Paano naman kasi napakayabang. Feeler ba. Hmmm sabagay may pagmamalaki naman talaga sya e. Gwapo sya mayaman. And I heard matalino sya at madaming talent. Like drums guitar and he can sing.
Ewan ko ba sa taray kong ito napapaamo nya ko.
Matino pa ko ako kanina kaya natatandaan ko pa yung mga sinsabi nya.
Di ako makapaniwala na gusto nya kong ligawan.
Ano yun? Balak nya akong isama sa mga binibilang nya? No way !
Alam ng barkada ko na sanay din akong makipaglaro. Heartbreaker nga ako diba?
Halos 2 am na kaming natapos. Yung iba umuwi na. Pero yung iba dito na daw matutulog sa unit ni kuya Lance. Ako si Clarisse at Fatima lang ang naiwang babae.
Okay lang yun hiwalay naman ang girls at boys ng kwarto. Walang milagrong mangyayari. Kung walang makulit.
“Jhelle sosyal ka wah. Liligawan ka ni Vince” sabi ni Fatima nung nakahiga na kaming tatlo sa kama.
“Nagbibiro lang yun. Ano ba kayo” sabi ko naman. Pero sa totoo lang kanina naramdaman kong seryoso sya lalo na nung tumingin sya sa mga mata ko
“Weh di nga. Feeling ko totoo naman” sabi pa nya tapos bigla syang naupo.
“Ewan ko dun sa lalaking yun” tumuwid ako ng higa at tumingin sa kisame
“Pero alam mo ba swerte ka. Di naman nanliligaw yun ng babae. Sya hinahabol ng babae. Buti nga walang naghahabol na nabuntis nya daw” tapos tumawa sya
“Bahala sya” then I close my eyes
“Pero Jhelle ingat ka. Kilala namin si Vince” napadilat ako nung marinig kong magsalita si Clarisse
“Don’t worry Clarisse you know me” kinidatan ko sya
“Paano kung mahulog ka?” napatagilid ako sa sinabi nya
“Bahala na. Sasaluhin nyo naman ako diba? Saka bago ako mahulog I’ll make sure na mauuna sya sakin” sabi ko naman with pilit na smile
“Pero sigurado ako kung nandito kanina si Harvey di makakadiskarte yun. Tama ba? “ humarap sakin si Clarisse nakagitna kasi ako sakanila ni Fatima
“Correct. Yun pa. e over protective yun” singit ni Fatima
“Torshhgsfdy naman” bulong ni Clarisse
BINABASA MO ANG
FALSE ALARM !
Fiksi RemajaSome says when you love someone you have to give up everything. Including your virginity? is that really mean love or lust?