CHAPTER 26
JHELLE’S POV
Di ko alam kung paano ako nakasurvive ng gabi yun na ganito kagulo yung isip ko. .
Siguro dahil sa dami kong nainom at sobra kong pagod kaya ako nakatulog.
Ngayon na nga pala dadating si best. Kaya lang di naman nya sinabi kung anong oras sya pupunta.
Ginala ko yung paningin ko sa loob ng room namin ni Clarisse. Di na ako nagulat nung makita kong pati si Cindy nandito. Siguro nagalala sila sakin kaya di na nila ako iniwan.
Sana dumating na yung time na makabawi na ako sa lahat ng ginagawa nila for me.
Ayoko namang istorbohin yung dalawa sa pagtulog nila halata namang pagod at puyat sila.
Nagdecide ako na maglakad lakad muna since simula nung dumating kami dito di pa ako nakakapaglibot.
Siguro ang sarap ng feeling na totoo talaga kaming ikakasal sa ganito kagandang place.
Tapos magkasama kami ngayong naglilibot while magkahawak ng kamay. Kung totoo man yun siguro isa na ako sa pinakamasayang babae sa araw ng kasal ko. Kaya lang kabaligtaran yun e.
Bukas na yung kasal namin pero bakit ganun wala akong maramdaman kahit kaunting excitement bakit puro kaba at takot.
At alam ko na para sa kanya. Yung kasal nay un para syang bibitayin.
Kalalakad ko di ko na namalayan na medyo hapon na pala kung di pa ako nagutom di ko maiisipang bumalik sa room para maligo at kumain.
Pagdating ko naman dun, wala naman tao baka naglibot din sila o naghanap ng malapit na spa. Kaya naisip ko na sa labas na lang kumain mag-isa.
May nakita naman akong resto bar kanina. Mas gusto ko dun para makianom ako ng kahit konti. Pampakalimot at pampatulog na din. Wala naman masama kung gawin ko yung magisa e.
Kanina habang naglalakad akong magisa ang daming sumagi sa isip ko.
Tulad ng tama ba ang naging desisyon ko na magpakasal kay Vince. Oo mahal namin ang isa’t isa pero nuon yun. Kasi ngayon ako na lang yung nagmamahal at ako na lang yung nasasaktan.
Naisip ko din na tama bang tinanggihan ko yung alok ni best? Di naman sya mahirap mahalin. Diba nga nuon ko pa naisip na bakit di na lang sya ang minahal ko. May mga bagay naman na napagaaralan diba?
Kaya lang nisip ko din na di ang katulad ko ang karapat-dapat para kay best. Dapat yung maipagmamalaki nya. Ako kasi puro kahihiyan ang kaya kong ibigay sa kanya.
Sobrang gulo na ng isip ko kaya nga ako iinom ngayon e. Ako lang mag-isa kasi alam ko naman na di sila papayag. Saka for sure mas gugulo isip ko pag may kasama ako.Atleast kung ano man ang maging desisyon ko ngayon wala akong ibang sisihin na ibang tao.
Nag-dinner na ako at sinadya kong konti lang ang kainin. Umorder na din ako ng alak para sakin. At di ko na matandaan kung gaano na karami yung nainom ko pero I think that’s enough para magkalakas ako ng loob.
After kong bayaran yung bill ko. Hinayaan ko yung paa ko kung saan nya ako gustong dalin. Huli na ito PROMISE.
At saan pa nga ba ako dadalin ng paa ko. Adeh sa designated room ni Vince.

BINABASA MO ANG
FALSE ALARM !
Teen FictionSome says when you love someone you have to give up everything. Including your virginity? is that really mean love or lust?