He's back

521 3 1
                                    

CHAPTER 16

JHELLE’S POV

                Nandito ako ngayon sa cafeteria ng school. At magisa lang ako. Wala kasi si Clarisse nagdate sila ni Ryan. Si Vince naman may klase pa yun.

                Two weeks na din akong ini-ignore ng bestfriend ko. Ang hirap pala pag alam mong may isang tao  importante sayo na alam mong galit sayo.

                Ang hirap pala na pag iyong taong dating kasama mo whenever your sad ay wala sa tabi mo at sya yung dahilan.

                Kamusta na kaya sya?

                Sana maging okay na ulit kami.

                Nakapangalumbaba na ako nung bigla may nagbaba ng pagkain sa harap ko.

                Di rin sya bastos. Nakita na nyang emo-emohan ako dito.Nakikisabay sya ano ba gusto nya? ipkain ko sa kanya ng buo yung pagkain nya kasama yung fork and spoon. Panira ng moment. Di bumili ng sa kanya.

Saka ang daming vacant table bakit gusto pa nyang makisahre sakin?

                Tatarayan ko na sana sya. Kaya lang pag angat ko ng paningin ko.

                “Ha-Harvey?” nanlaki yung mata ko

                “Oh bakit parang gulat na gulat ka?” tanong nya sakin

                “Di naman masyado. Di ko lang expected na kakausapin mo pa ulit ako” sabi ko habang nakatingala ako.

                “Di mo ba muna ako aayaing umupo at makishare sayo. Kanina pa ako nakatayo dito”  pagiiba nya ng topic.

                “Kailangan pa ba kitang ayain. E mukhang with or without may permission uupo ka talaga. Binaba mo na sa table yung order mo e.” pambabara ko sa kanya.

                “Sorry naman” umupo na sya ng kumakamot sa ulo. Barado e.

                “Di ka na ba galit sakin?” tanong ko saknya nung makaupo na sya.

                “Di ba pwedeng kumain muna tayo ? kanina pa ako nagugutom” request nya sakin

                “Sure. No problem” sagot ko naman

                Tahimik lang kaming kumakain. Ayoko munang magsalita . Obvious naman kasi na ayaw nyang pagusapan yung issue saming tatlo.

                Di ko maiwasan di sa kanya makatingin.

                Two weeks ko kasi syang sinundan-sundan. Tapos ngayon na tinigil ko na,  bigla na lang syang lalapit sakin na parang walang nangyari.

                So weird !

                “Di ako galit. At lalong di ako galit sayo. Di ko magagawa yun” nagulat ako nung sya na yung nagstart ng topic.

                “Pero bakit mo ko iniiwasan?” tanong ko naman

                “Di naman kasi ako dapat magalit sayo. Dalaga ka at walang masama kung makipagrelasyon ka sa iba.  Single ka din naman. Iniiwasan kita kasi nagtatampo ako. Kasi nasaktan ako dahil naglihim ka sakin ng ganuong katagal. Tapos ako na lang pala yung walang alam. Nagmukha kasi akong TANGA sa harap ng mga barkada natin. At naiinis ako sa sarili ko kasi arghhhhhhhhh basta.” Napahawak sya sa buhok nya at sinabunutan yung sarili.

FALSE ALARM !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon