TWO

10.5K 184 4
                                    

TWO

KELLAN DRAKE DONOVAN

Nung gabing iyon, sa condo ko muna natulog ang ate ko. Gabi na rin siya nakarating sa pilipinas kaya pagod siya at napagpasyahan niyang bukas nalang siya uuwi sa bahay namin. Pinatulog ko lang siya sa kama ko at ako naman ay sa sofa lang ako natulog.


Pinagalitan ko pa siya dahil shorts na hindi hapit sa katawan lang siyang matutulog. Nakikita ko pa 'yung panty niya! 'Di parin nagtanda! Twenty-five na, para paring bata. Tsk. Sinasabihan na namin siya simula nung nagdalaga siya na huwag ng magshorts kapag matulog. Gusto namin nila mommy na magpajama nalang siya. Pero ang tigas ng ulo, ayaw magpajama, ang init init daw! Bwesit!

"Hoy, Daniella! Panty mo oh, nakikita ko! Umayos ka nga, malaki ka na! May extrang pajama ako dito, suotin mo oh!" hinagis ko sa mukha niya ang extrang pajama ko pero wala lang sa kanya dahil nakatulog na siya agad-agad. Napasapo nalang ako sa mukha at inayos ang pagkahiga niya.

Ganito ba siya matulog kasama 'yung gagong boyfriend niya? Tsk! Malaman ko lang na binastos niya ate ko, bubugbugin ko 'yun!


In-on ko nalang aircon para lamigin siya at magkumot. Kinumutan ko na rin siya kaagad para walang makita sa kanya. Babaeng to! Ang bilis makatulog!

Kinabukasan, I greeted my older sister a happy 26th birthday at binigay ang regalo ko sa kanyang mga pajama. Twenty six na si ate! Matanda na! Pero hindi talaga halata.

I also called Travis. "Yow, bro! Happy birthday!!"

"Yeah, yeah. Thanks," His voice sounded like he just woke up. Haha! Kawawang kuya. Naistorbo ko ata. Lagi nalang.

"Matanda ka na! Hahahaha!! Pero mas gwapo parin ako di'ba pare?"

"Shut up, Kellan,"

"Lolo, how's life with Alex? Binasted ka ba?" I laughed again. Remember her? 'Yung babaeng natipuhan ko noon na gusto ni kuya? Pfft.

Mahina si Travis dahil sa kanya. Akalain mo, humingi ng tulong sa akin kung paano ba siya magsosorry at gagawa ng paraan para 'di na ito magalit sa kanya. Nagalit kasi si kuya dahil may katawag itong ibang lalaki kaya ayun ang gago, pinilit ang gaga na makipag-sex kahit pinigilan na siya ni Alex. Hay. Ginawa pa akong Madam Bertud.

"She's my girlfriend now,"

Ohh!!!

"Wow, pare! Level up ka na, ah! Hahaha! Anong gusto mong recognition gift?" pambibiro ko sa kanya.

"Uhm... Nothing, I have everything I wanted beside me," Ay puta! Ngayon ko lang narinig ito sa kanya. Pag-ibig nga naman.

"Jusko dong! Bumabanat na si koya tanda! Hahahaha! Sa akin mo ba natutunan 'yan? Keleg mech na si Alex jan!"

"Stop that, Kellan. You're still annoying as fuck." Hindi siya nakasigaw, but I could still hear the irritation in his voice.

"Mahal mo naman! Are you sure wala? Baka magtampo ka ha?"

"Wala. Save it. Kapag may favor ako sa'yo, 'yun nalang ireregalo mo sa akin,"

"K," I rolled my eyes. "Kelan ka babalik?"

"Soon enough. Don't miss me too much, the baby boy," Oh, shit.

"Fuck that shit, Travis. I'm not a fucking baby boy. Stop calling me that! Pareho lang kayo ni ate. Ang sarap niyong i-untog sa isa't isa." Iritable kong sabi.

A Taste of Heaven and Hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon