TWENTY

6.1K 144 2
                                    

TWENTY

VIANE DREA SILVA

Hindi ko alam ang nararamdaman ko nung lumapit sa amin ang ex ni Kellan. May inis akong nararamdaman sa dahilang nandito siya pero wala naman kong karapatan mainis. Wala namang sinabi si Kellan sa akin na pupunta dito ang ex niya.

Hindi ko mapigilang ikumpara ang sarili sa babae. Maganda siya, mas maganda. Sexy at matangkad tapos makinis pa ang balat. Halatang model sa tindig ng katawan. Mas malaki ang dibdib niya kesa sa akin pero walang-wala naman siya sa baba ko.

Tsk! Pucha! Bakit ba! She was the ex. Mahal ako ni Kellan. Mahal niya ako and I trust him.

Hay, pero sa tuwing titingin ako sa babaeng 'yun, hindi ko mapigilang mag-isip ng hindi maganda. Baka may gagawin siyang hindi maganda... Aish! Kalma lang ang heart! Think positive! Mahal ako ni Kellan.

"Hi, guys. It's been so long," bati niya sa amin.

"Hey," ngumiti lang ng tipid si Trina.

"Have you seen Kellan?"

"Sino ba ang nagpapapunta sa iyo dito?" naiiritang tanong ni Chris.

"Travis. Actually, duon sana ako sasama sa mga kaibigan ko na alam rin ang plano ni Travis but I missed you guys so I changed my plans," she gave us a sweetest smile na pakiramdam ko ay peke lang. "Oh, who is this new girl?" tumingin siya sa akin. "Are you Peter's girlfriend?"

"Hoped that," sabi ni Peter na may ngisi.

"No," sagot ni Vale. "She's Kellan girlfriend,"

Natigilan ng sandali ang babae bago pilit na ngumiti. She looked at me from head to toe na nakataas ang isang kilay pero may ngiting matamis. "Hi, I'm Andrea,"

Nanlaki ang mga mata ko. We have the same name. I mean, my friends sometimes call me Andrea and she's is Andrea. That's almost the same. Kaya ba Viane ang tinatawag ni Kellan sa akin? Dahil matatandaan niya lang ang ex niya kapag tinawag niya akong Andrea? Possible.

"Viane. Kellan's girlfriend," Ngumiti ako ng sobrang matamis sa kanya. I am Kellan's girlfriend. I am.

"I know, right?" she rolled her eyes and flipped her hair.

"Food's--" Naputol ang sasabihin sana ng paparating na boyfriend ko.

"Kellan!" sumigla ang mukha ni Andrea nang makita si Kellan. Tumakbo ito palapit sa boyfriend ko at binigyan ng yakap. Ang landi. Kalma lang...

Pilit namang humiwalay si Kellan sa yakap ni Andrea. "U-Uhh, I'm sorry, but why are you here?" nagpatulong siya sa kasamang waiter na ilagay ang mga pagkain sa table namin.

"I'm here to support and help Travis,"

"Did he even want your help?" tumaas ang isang kilay ni Kellan.

"Probably," she just smiled gladly at him.

He ignored her. Lumapit si Kellan sa tabi ko at umupo. Inakbayan niya ako at sinabing, "Let's eat, babe,"

"Kellan, I'm hungry too. Could you please go get me some food?" pagpapacute na sabi ni Andrea. Nakakainis na siya ha! Ang sarap niyang bitayin!

"Go get it yourself. May paa ka," malamig na tono ni Kellan.

She rolled her eyes before turning her back away from us. "Shit, I hate her," sabi ni Chris.

-

Tinawag na kami ng pamilya ni Kellan at sinabing pumunta na sa dagat. May maraming mga balloons ang nakahiga sa buhangin at binigyan kami ng tig-dalawa-dalawa. Hinubad ko ang kimono top ko at sabay kaming pumunta sa medyo ilalim ng parte ng dagat hawak-hawak ang dalang pink balloons. Pumwesto kami roon at may lalaki crew ata ng resort na pinaayos kami at sinabing magporma daw kami ng salitang 'MARRY'. We formed ourselves perfectly. Magkatabi kami ni Kellan sa dulo at sa likod naman namin ay sina Trina at Vale.

A Taste of Heaven and Hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon