NINETEEN

6.7K 140 0
                                    

NINETEEN

VIANE DREA SILVA

Sabado na at naghahanda na kami ni Kellan umalis para pumunta sa resort nila sa Pasay. Habang nagdadrive siya, hindi ko mapigilang makatulog habang nasa daan at nagsisikipan na mga sasakyan dahil sa traffic.

Naramdaman ko ang mahinang pagtakip ng balat sa pisngi at sa hita ko. "Babe, we're here. Get up," rinig ko ang baritonong boses ni Kellan.

"Nooo..." reklamo ko at sumimangot.

"Babe, let's go. Hinihintay na tayo," malambing na boses nito.

Nakapikit pa rin ako. "Sino?"

"My family. Come on," Tinapik-tapik niya uli ang hita ko.

"Hmm," Umayos ako ng upo at kinuha ang isang bag ko. Kinuha naman iyon ni Kellan at sinabing siya na daw ang magdadala. Nilibot ko ang tingin sa resort nila. Maganda. Sariwa ang hangin. Puti ang buhangin. Maraming mga coconut trees na lalong nagpaganda dito. Niyakap ko ang sarili nang maramdaman ko ang malakas na hangin mula sa mga puno. Naka-puting sando at itim na shorts lang kasi ako. Nag-away pa kami ni Kellan kung bakit daw ba ako magsh-shorts. Eh alangan naman mag-jeans ako tapos nasa dagat kami. Mukha lang akong shunga!

Two days lang kami dito. Uuwi rin kami kaagad bukas dahil busy ang pamilya Donovan. Okay na rin 'yun para hindi ako iitim sa init.

"Hey, come here," Lumapit si Kellan sa akin at inakbayan ako. "I'll introduce you to everyone,"

Nanlaki ang mga mata ko. "Sigurado ka? Ha? Baka nakakatakot sila? Baka ayaw nila sa akin!"

He chuckled and planted a kiss on my right cheek and there grows a blush. "No, they're not like that. Let's go?"

"Tara."

Pagpasok namin sa isang hotel sa resort, may sumalubong kay Kellan na middle-aged na babae at kamukhang-kamukha niya. Probably her mother.

"Kellan, baby kooo," masayang salubong nito. Yumakap kaagad siya kay Kellan at hinalikan sa pisngi.

"M-Mom, hey, don't call me that in front of my girlfriend," nahihiyang sagot ni Kellan at pilit na kumawala sa bisig ng mommy niya. Ngumiti ako sa nakita. Ang cute!

"Girlfriend? May girlfriend ka na naman? Bakit ba ang dami mong girlfriend? Sino ba may sabing pwede marami ang girlfriend? Ang daddy mo ba? Sabihin mo, ikaw bata ka! Parehos lang kayo ng daddy mo!!" nanlalaki ang mga mata ng mommy niya habang sinisermon si Kellan. Patay ka! Ang landi kasi! Haha!

"Mom, this is real. My truly loved girlfriend, okay?"

"Be sure I'll like her. Baka kahit saan mo naman nakilala iyan!" sumimangot ito.

"You'll like her, Mom. Of course,"

Lumapit muli sa akin si Kellan at hinapit ako sa bewang. Nakatingin lang kami sa mommy niya. Ngumiti ako. "Mom, my girlfriend. She's Viane,"

"H-Hello po, ako po pala si Viane Silva. Nice to meet you, Mrs. Donovan," pormal kong bati.

"Wow, hija, you are so pretty. Bagay na bagay kayo ng bunso ko," sabi niya habang nagbeso-beso kami.

"Ah, thank you po, Mrs. Do--"

She cutted. "Oh, hush! Do not call me that. Just call me 'Mommy'. Ganyan rin ang tawag ni Kellan sa akin noon," ngumiti ito ng matamis. Ang bait-bait ng mommy niya.

I hesitated at first. Pero sino ba naman ako para tumanggi? "A-Ahh, s-sige po, m-mommy,"

"Good," ngumiti ito ulit sa akin at humarap kay Kellan. "May room na kayo, kunin niyo nalang sa front desk. Una na kami, hijo, hija. Magpahangin lang kami," nagpaalam kaming sa kanya bago kami pumunta sa room namin.

A Taste of Heaven and Hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon