FOURVIANE DREA SILVA
Agad akong pumara ng jeep pauwi sa condo. Sayang ang pamasahe ko, hindi naman maganda ang ipinunta ko doon! Bwesit! Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko dahil nakakahiya sa jeep.
"Manong, bayad ho! Forever alone! Keep the change," pagalit kong tawag.
Letche! Wala man lang nag-abot ng bayad ko para kay kuya! Ano ba 'tong mga taong to! Nababadtrip ako lalo! "Manong, i-catch mo nalang!"
Nang sabihin ko iyon, may kumuha sa pera at binigay kay kuya. Tsk. "Ineng, keep the change?! Kulang pa nga 'to eh!"
Ano?! Fuck, pahiya ako ah! Kumuha ako ng bente sa wallet ko at binigay muli! Oh, ayan! Keep the change na talaga 'yan! Bwesit!
Pagdating ko kwarto ng unit ko, doon ako nanghina at napahiga sa sofa. Nilagay ko ang ulo ko sa ilalim ng unan at dun humahagulhol. Kanina ko pa ito pinapigilan. Kanina ko pa ito kinikimkim. Kanina ko pa ito gustong ilabas.
We've been together for one year and a half. Naging matatag ang relasyon namin sa una. Hanggang sa ngayon na bumitiw na talaga ako. Hindi ko na kaya. Niloloko ako ng mga taong minahal ko. Ang sakit sakit. Nadudurog ang puso ko. Parang chine-chainsaw ito pero kahit durog na, masakit pa rin.
Akala ko noon, magtatagal kami. Akala ko, maging kame hanggang sa huli. Akala ko, ako lang. Akala lang pala lahat ng iyon. Lahat namamatay sa maling akala.
Prince is my first ever boyfriend. Sabrina is one of my bestfriends, along with Pia. Kaming tatlo ang magkakasama simula nung maging kaklase sa kami sa mga ibang subjects sa college. Pero hindi ko alam na may gusto pala si Sab sa boyfriend ko. At matagal na ito. Pero sa akin nanligaw si Prince. Simula nung naging kami ni Prince, dumidistansya na siya sa amin. Paminsan nalang kami nagsasama-sama pero nakikita ko ang awkwardness sa kanya kapag magkasama kami ni Prince.
Mahal kaya talaga ni Prince si Sabrina? Kaya ba niya ginawa iyon? Anong lason ba ang nilagay niya at ba't naging ganito ang buong sitwasyon?!
Okay na sana kung ibang babae ang niloko sa akin ni Prince. Pero bullshit! Bestfriend ko pa! Pinatulan pa ang bestfriend ko! Hindi ba niya naisip na masasaktan ako! At matagal na pala silang kumakama sa likod ko! At nago-over-the-bakod pa silang dalawa!
Tsk. Pinunas ko ang mga luha sa mukha ko. Ano bang ii-iyak ko? Lilipas rin 'to. Makamove-on rin ako! Makakalimutan ko rin si Prince. Ako pa! Matapang ako! May mas masakit pa na nangyari sa akin.
Tumulo na naman ang luha ko. Shit! Ayaw ko ng umiyak! Ano bang silbi ng pag-iyak? Wala namang maibabalik kapag iiyak ako! Mas lalo lang itong sasakit.
Kay Sab, bahala muna siyang makasama ang ex-prinsipe ko. Tutal 'yun naman ang gusto niya, pagbigyan ang malandi. First time ata magkaroon ng first love! Ugh!
Ano kayang magiging reaksyon ni Pia sa sasabihin ko? Na ang kaisa-isa naming bestfriend ay syinota ang ex-boyfriend ko.
Gusto ko siyang tawagan. Pero napag-isipan kong huwag muna. Hindi ko pa kaya. Fresh na fresh pa ang nangyari.Dahil sa kaka-isip ko sa mga ala-ala na meron kami ni Prince, napaiyak na naman ako sa sakit, sa lungkot, sa takot at sa galit.
Suminghot ako sa tissue sa tabi ko. Ang hirap pala maging brokenhearted!"Ohhh!! Right there!! Right there!!"
Bakit ba hindi maalis sa isipan ko ang panlolokong ginawa nila?! Tama na. Hindi ko na kaya! Ang sikip na ng puso ko sa sobrang sakit.
"Do you like that?! Huh?"
Letche! Sinong matinong girlfriend ang gusto na niloko ng boyfriend niya?!
BINABASA MO ANG
A Taste of Heaven and Hell [COMPLETED]
General FictionKellan Drake Donovan Falling in love feels like heaven But it hurts like hell. Pleasure is all his to be given. Most amazing nights you'll never forget and tell.