TWENTY-THREE

6K 117 1
                                    

TWENTY-THREE

VIANE DREA SILVA

"Babe, wake up, time for school,"

Naalimpungatan ako nang may humahaplos sa braso at sa ulo. Binudburan rin ako ng mga halik sa balikat dahilan para magising ang buong diwa ko.

"Anong oras na?" nakapikit kong tanong.

"It's only five. Babe, pwede kang um-absent ngayon kung gusto mo. Look at you, naka-uniform ka pa rin. Hindi na kita binihisan kagabi kasi ayokong maistorbo kita," nilagay niya ang likod ng kamay niya sa leeg at sa noo ko. Siguro chinecheck kung may lagnat ba ako.

"Hindi pwede. Ayokong may ma-miss na mga subjects,"

"You sure?" Tumango ako. "K, tell me if you're not feeling well."

"Kaya ko 'to no,"

I heard him chuckled. Hinahaplos niya ang buhok ko. "Maligo ka na,"

Ngumuso ako at hinigpitan ang yakap sa unan niya. Nasa condo niya kasi kami. Pumunta ako kagabi dahil tinulungan niya ako at nagpaturo ako sa kanya tungkol sa solving sa mathematics namin. Matalino si Kellan. Medyo nahirapan rin siya kagabi dahil nakalimutan na niya 'yung mga topics. Nagtulungan kami kagabi gumawa ng ibang assignments ko pero hindi ko nakayanan at nakatulog na talaga ako. Siguro naman siya na sumagot sa math!

"Maya na. Maaga pa naman. Ten minutes,"

"Ten minutes, k?"

"Fifteen minutes nalang!" hirit ko ulit.

"Okay, okay! Last na 'yan. Fifteen minutes,"

Hindi ngayon ang first day of class namin. Seven months na ata ang nakalipas simula nung unang araw ng klase. Malapit na rin ang unang taon na magkasama kami ni Kellan! Grabe! Ang hirap talaga pagsabayin ang college at boyfriend. Sabi nga ni tita sa akin noon, huwag daw magboyfriend kapag college ka dahil mahihirapan ka. Oo, mahirap dahil paminsan medyo short ako ng oras para kay Kellan. Nagtatampo 'yun pero naintindihan niya naman rin ako. Alam na alam niya na importante ang pag-aaral sa akin. Gusto ko kasi talaga makapagtapos. Gusto ko maging proud sa akin si mama, papa. Kasali na duon sina Tita Giannah, Tito Ray, Pia at si Kuya.

Napagdaanan na ito ni Kellan kaya alam niya sa feeling ang bagsak sa ulo, bagsak ang katawan, at bagsak sa utak. Sinabi niyang hindi pa siya bumagsak sa kahit anong subjects! Ang talino! Isa sa mga rason kung ba't mahal ko ang kaloka kong boyfriend!

Lunch break na namin at napag-usapan namin ni Sab na sa cafeteria nalang kami magkita para maglunch. Umupo ako sa bakanteng upuan at hinintay ang pagdating niya. Maya-maya pa ay dumating siya at sinimulan na namin ang pagkain. Kumain na ako pero parang wala akong gana. Ang bigat ng katawan ko. Kaninang umaga pa 'to.

"Huy, teh!" Subo lang ako ng subo sa pagkain at hindi ko na narinig ang ibang sinabi niya. "Huy, nakikinig ka ba?"

"Huh? Ano nga 'yun?"

Umikot ang mga mata niya at bumuntong-hininga. "Sabi ko may kilala ang blockmate ko na isang Donovan. 'Di ba Donovan 'yung boyfriend mo?"

What? Donovan? "Anong course?"

"Business ad,"

Ha? Sino naman kaya 'yun? Imposibleng si Kellan 'yun. Tapos na sa pag-aaral si Kellan. Probably, pinsan 'yun ni Kellan. Lumapit siya sa akin ng sobrang dikit. "Ayun oh! Nakita mo 'yun?"

"Saan? 'Yun ba?" turo ko sa lalaking matangkad at gwapo. Halos lahat naman dito gwapo!

Hinampas niya ang kamay ko. "'Wag mong ituro! 'Yun oh! Suot 'yung kulay sky blue na bag,"

A Taste of Heaven and Hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon