THIRTEEN
VIANE DREA SILVA
Habang nagda-drive si Kellan, hindi ko mapigilang isipin ang nangyari kanina.
Sabrina and I fought. Not just a simple fight ng magbestfriends. It was serious fight. Hindi ko maiwasang masaktan dahil sa nangyari. Hindi ako nasaktan sa mga salitang binitawan niya. Nasaktan ako sa kung sino na siya ngayon. She changed... Or maybe I did.
It was like I am nothing special to her. Oo, ako ang unang nagbitiw ng masakit na salita. Pero hindi ko talaga mapigilan na maalala ulit ang nangyari. Wala na akong paki kay Prince. We already had a break-up. Masasabi kong I have already moved on from him. Pero si Sabrina ang hindi ko kayang tiisin.
Sabrina is my bestfriend and she is special to me and still my special friend. After what happened, hindi man lang siya kumausap sa akin. Wala siyang in-explain kahit kaunti kung bakit naging ganito ang lahat! At 'yun ang kinaiinisan ko lalo. Na inuna niya pa ang lalaking iyon kesa sa pagkakaibigan namin.
Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong humingi siya ng tawad dahil sa ginawa niya. Alam kong hindi niya sinasadyang mahulog kay Prince dahil alam na alam niyang boyfriend ko siya nun! Gusto kong ibalik ang dating samahan namin. Gusto kong bumalik kami sa dati na walang pinopoblemang lalaki. I badly want to talk to her... I want to say sorry to her too...
About our friendship rule, wala na rin akong pakialam. Nasa kanya na si Prince at hindi ko na gusto si Prince. I just want to talk to her in private... When can I have that?
Nagising ako sa katotohanan nang maramdaman ang kamay ni Kellan na humawak sa kamay kong nakapatong sa hita ko. "Are you crying, Viane?"
Pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking pisngi. "Babe, why're you crying? Is it because of him?"I shook my head. "Hindi no. Bakit ko naman iiyakan 'yun?"
He sweetly closed-mouth smiled. "Good thing, you've already move on from him. But why did you cried?" nag-aalalang tanong niya habang nakatingin sa daan.
"It's just because of Sabrina,"
Matagal bago siya sumagot. Hinigpitan niya lang ang hawak sa mainit niyang kamay. "You know, Viane. I think she wants a closure between you two about what happened. I saw how bad she needs you, Viane. She wanted to talk to you pero iba ang lumabas sa bibig mo."
"Oo, alam kong ako nauna. Hindi mo ako masisisi eh. Galit ako sa kanya, Kellan. Pero 'yun rin ang gusto ko. Gusto ko rin siyang makausap about everything."
"But you're not yet ready?"
Napayuko ako. "Yes, I'm not yet ready. We were bestfriends pero sa isang iglap, nagbago ang lahat. Parang kahapon lang nangyari eh. Masakit pa rin,"
"Are you trying to say na masakit pa rin pagta-traydor na ginawa sayo nilang dalawa?"
"Ano pa ba?" masungit kong sagot.
"So hindi ka pa rin nakapag-move on kay Prince?"
"Nakamove-on na ako, Kellan! Unti-unti ng na siyang nabubura sa puso ko. Pero hindi mawala sa isipan ko ang ginawa ni Sab. Tangna, mas masakit mawalan ng bestfriend kaysa sa boyfriend! I don't care about him anymore, okay? I don't love him anymore. And he doesn't love me anymore. But here's the thing, I love me."
"And here's a thing about me, I'm in love with you and your little things,"
Napangiti ako sa sinabi niya. Namula ako lalo at ito na naman ang lakas ng kabog ng puso ko. Ayaw ata matalo sa karera. "Stop that, Kellan."
"Why? Kinilig ka ba?" natatawang tanong niya. I rolled my eyes at hindi ko siya sinagot. Pinindot niya ang tagiliran ko. "Huy, sumagot ka. Kinilig ka ba?"
BINABASA MO ANG
A Taste of Heaven and Hell [COMPLETED]
General FictionKellan Drake Donovan Falling in love feels like heaven But it hurts like hell. Pleasure is all his to be given. Most amazing nights you'll never forget and tell.