EIGHT

7.3K 165 2
                                    


EIGHT

VIANE DREA SILVA

Click! Click! Click!

Ano 'yun? Parang may nagpipicture? Wait, picture? Mabilis akong bumangon at naramdaman ko ang sobrang sakit ng ulo ko na parang binibiyak kaya napahiga ako ulit sa kama.

Click! Click!

What the fuck is that! So annoying!

Minulat ko ang mga mata ko. Nakita ko si Donovan may hawak-hawak na DSLR camera. "What are you doing, Donovan?"

Lumapit siya sa akin at may tinuro sa bedside table. "May gamot sa bedside table para mawala ang hangover mo. Inomin mo," paglingon ko meron nga.

Ano bang nangyari? Tska hindi ko ito kwarto! Nasa unit ba ako ni Donovan? Malamang kasi meron siya! May nangyari bang masama sa akin kagabi? Nanlaki ang mga mata ko sa pagkaka-alala na isang manyak si Donovan. Fuck? Mabilis akong tumingin sa ilalim ng kumot at nakahinga ng maluwag nang makitang parehos parin ang suot ko kagabi at ngayon. Ininom ko 'yung gamot at tubig sa table.

"I read the text Pia sent to you earlier this morning. You're in my unit at binigay niya sa akin ang susi ng condo niyo so kumuha na rin ako ng mga damit mo. Dito ka na rin daw kumain," sabi niya. What? "Ah, yes. Before I forgot, nag-iwan siya ng pera para makapag-bili ka ng grocery." sabi niya habang nakapokus ang mga mata sa DSLR niya.

"A-Ano bang nangyari kagabi? Wala naman siguro akong nakakahiyang nasabi di ba?" nahihiya kong tanong sa kanya.

Umangat ang mata niya sa akin ang ngumiti ng pilyo. "Wala naman. But I prefer you drunk than sober,"

Kumunot ang noo ko. Sabi kasi ni Pia noon, nagbabagong anyo daw ako kapag lasing.


"You're gentle and kind when you're drunk, babe," he winked.


Nanlaki ang mga mata ko. Kinuha ko ang mga unan at tinapon sa kanya pero nakailag ang loko. "Tama na! Silva! Tsk!"  tinigil ko na ang pagtapon sa kanya. Wala ng mga unan eh.


"How are you feeling?"


I rolled my eyes at him. "Better," tumayo ako at pumasok sa isang pinto na alam kong cr. Naghilamos ako at nagtoothbrush. Pagkatapos lumabas ako at nakatayo pa rin siya hawak-hawak ang malaking camera niya.


"Aren't you gonna ask how I am?"


Tinaas ko ang kilay ko. "I don't care."


Kumunot ang noo niya. Binigyan niya ako ng seryosong tingin. "You don't care about me while all I do is care about you? Alam mo ba ang nangyari sa'yo kagabi? You were fuckedly drunk, cried and broken. You threw up last night and I cleaned it all up. I was there. For you. Don't you remember?"


Yumuko ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Wala akong matatandaan. Bakit ba ang concern niya sa akin?


"I bet you'll never remember the things I never want to forget." agad siya tumalikod pero nilingon niya muli ako. "Your clothes are in the bathroom. Come out and eat when you're done. I'll wait."


Naligo ako at nagbihis. Nagulat ako nang makitang ang kulay pula kong panty at bra. Shit! Kinuha niya rin iyon! Ugh! Nakakahiya! At matchy-matchy pa talaga!

A Taste of Heaven and Hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon