TWELVEVIANE DREA SILVA
"VIANE!!!!!!"
"...Peste ka..."
"VIANE!!!! COME ON, GET UP!!!"
Kinuha ko muli ang kumot na nakabalot sa akin nang kunin iyon ni Kellan.
"Pesteng istorbo ka..." mahina pero naiinis kong sabi sa kanya.
"Ano?" kinuha niya rin ang unan ko at hinahampas-hampas sa katawan ko. "Gising na! Bilis!!!"
Napabangon ako ng wala sa oras at galit na tumingin sa kanya. "PUTANGINA BAKIT BA!"
"Let's go on a date." nakangising sabi niya.
"Date?! GANYAN KA BA MAGYAYA NG DATE, DONOVAN?!!! IBANG KLASENG KA RIN ANO!!! NANG-IISTORBO KA PA NG TULOG!!! JOLOGS KA LUMABAS KA!!!" sabay higa muli at siniksik ang sarili sa unan.
"BANGON NA, VIANE! ALAS-ONSE NA! KAIN TAYO SA LABAS BAKA MAMAMATAY KA SA GUTOM! DALI NA!"
"AHHHH!!!" kinuha niya ang mga paa ko at hinila pababa sa kama. Argh! Kainis!
Napatili ako lalo nang kargahin niya ako at dinala sa banyo. Ang awkward pa ng pagkakarga niya sa akin dahil ang ulo ko ay nakaharap sa gitna ng legs niya tapos ang mga binti ko ay nasa itaas. Damn. Binaba niya ako sa shower at mabilis naman siyang tumalikod at tumakbo palabas.
Ahhh!!! KAKAINIS TALAGA!!!!!!
Whew! Naligo nalang ako at nagbihis. Sabi niya date di ba? Ibang klase mag-aya ng date! Namimilit! Kapal talaga ng mukha!
Medyo natagalan pa ako ng kaunti dahil hindi ko alam ang susuotin ko. Nakaharap lang ako sa kama at tinititigan ang dalawang gamit. Itong kulay sky blue ba na skater dress na hanggang hita o ang pink full skirt dress na may manipis na puting belt sa waist?
Ahhh!! Tulong!!! Nakakaasar! Bakit ba ako magpaganda para sa lalaking 'yun!
Argh! "KELLAN!!!"
"YOU'RE DONE?!" sigaw niya mula sa labas ng kwarto ko.
"HALIKA KA NGA MUNA!"
"BILISAN MO, SILVA,"
Minamadali niya ba ako?!
Lumabas ako sa kwarto ko at napaawang ang bibig niya nang makita ang ayos ko. "'Yan ba ang isusuot mo?" gulat na tanong niya. Isang puting towel lang ang nakabalot sa buong katawan ko at isa pang towel sa buhok.
"Gusto mo ng umalis, di ba? Hala, sige, tara!" sarkastiko kong suway sa kanya.
"De joke lang, sorry. Mag-ayos ka na, maghihintay ako," kalmado niyang saad.
Napangiti ako. "'Wag ka ng maghintay. Tulungan mo akong pumili ng damit," hinila ko siya sa braso at dinala sa kwarto ko. Tinuro ko ang mga damit sa kama.
"Itong sky blue o itong pink? Choose," humalukipkip ako at tiningnan siyang palipat-lipat ang tingin sa dalawang outfits.
Kumunot ang noo niya. "Bakit ako? Ako ba magsusuot niyan?"
"Hindi. Tulungan mo lang ako pumili ng damit. Bilis na, gutom na ako," tinapik-tapik ko ang paa sa sahig tila hindi makapaghintay.
Ngayon ko lang napansin nakaputi at black siya na stripes shirt sa loob ng isang maroon na blazer at trousers at kulay puti na shoes. Nakataas at nakaayos ng mabuti ang buhok niya. Namangha ako sa ayos niya. Ang gwapo-gwapo niya. Mas lalo siyang gumwapo I swear to God!
BINABASA MO ANG
A Taste of Heaven and Hell [COMPLETED]
General FictionKellan Drake Donovan Falling in love feels like heaven But it hurts like hell. Pleasure is all his to be given. Most amazing nights you'll never forget and tell.