THREE
VIANE DREA SILVA
"Oy, Andrea! Ayus-ayusin mo na 'yang lovelife mo ah!" sermon sa akin ng bestfriend-slash-pinsan kong si Pia.
Nandito ako ngayon sa bakeshop kung saan siya ngtatrabaho para bumili ng cake. Plano kong bisitahin ang boyfriend ko sa condo niya dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita. Sabi niya busy raw siya dahil gusto raw ng daddy niya na siya na ang magtake-over sa business nila kaya lagi nakatuon ang mga oras niya dun. Naiintindihan ko naman eh.
Nagkunot ang noo ko sa sinabi niya. "Maayos naman ang lovelife ko ah! Baka sa'yo ang hindi?"
"Sa'yo? Maayos? Maayos raw pero hindi ka na binibigyan ng oras," pinandilatan niya ako ng mata.
"Eh naintindihan ko naman eh. Busy siya dahil sa mga plano ng dad niya para sa kanya," paliwanag ko at umayos ng upo na hinihintay siyang matapos.
"Hindi man lang magawang magtext! Ako pa sa'yo teh, hiwalayan mo na 'yan! D'yan rin naman ang patutunguhan niyo," suhestiyon niya.
"Busy nga, Pia, di ba? Alin ba dun ang hindi maintindihan? Gusto mo mag-equation pa ako dito?" iritable kong sabi.
Alam mo 'yung feeling na bestfriend mo ang isang tao tapos ay gusto mo siyang makasama pero at the same, gusto mo rin siyang itapon sa pasig river! Buwesit!
"Okay, eh 'di busy!" gigil na sabi niya with matching hampas pa ng box ng cake sa harap ko.
"'Edi wow!" ganti ko sabay tayo para umalis na. "Bye!"
"'Edi bye!" pahabol niya pang sabi. "Masagasaan ka sana loka ka!"
Nagtaxi ako papunta sa condo ni Prince. Boyfriend ko. Hindi niya alam na pupunta ako kaya gusto ko siyang sorpresahin. Alam ko namang nasa condo lang siya ngayon dahil saturday ngayon. Free siya every saturdays.
Sumakay akong elevator at lumipad patungo sa floor ng unit niya. Kumatok akk sa pinto bago pumasok.
Pagpasok ko, may nakita akong petals ng roses sa sahig. Marami ito at iba-iba ang kulay. Imbes na kiligin, sinermon ko ito.
Sanay na ako sa mga kilig na binibigay sa akin ni Prince. Nagawa niya na nga 'to! Ako pa ang pinaglinis ng gago! Walang hiya noh?"Sino na naman ba ang nagkakalat dito? Kapal ng mukha na magkalat, eh ako naman ang naglilinis!" parinig ko kay Prince na parang nanay na pinagalitan ang anak. Sigurado natutulog lang ito dahil sa pagod. Siguro balak niya ring sorpresahin ako kaya niya ginagawa 'to!
"Ahhh!!!"
Ano 'yun?
Lumapit ako sa sala para ilagay ang dala cong cake.
"Ohhh!! Yes, Prince!!!" nalingon ang ulo ko sa kwarto niya. Tumalas ang pandinig ko dahil may babae akong narinig. Parang umuungol?
"Fuck yes!!! Ang sarap!!!"
Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan ng kwarto niya. Nang masigurado kong dito nga nangagaling ang mga boses, kaagad ko itong binuksan.
Pakshet malupet...
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Prince at ang isang malanding babae na busy sa pagtatalik sa kama. Nakapatong ang babae kay Prince at mabilis itong sumuot sa kumot nang makita ako. Nagtago pa ang babae sa ilalim ng kumot para hindi ko makita.
At hindi lang siya isang babae.
Kaibigan ko pa! Pakshet talaga!
Lumunok ako. Nararamdaman ko ng may namumuong mga luha sa mga mata ko. Sa bilis ng mga pangyayari, nakita ko na ang sarili ko na sinampal si Prince.
"Iyan ba ang busy ha?!!" sigaw ko sa kanya.
"Andrea, I'm sorry. I can explain." mahinahon nitong sabi sabay hawak sa braso pero mabilis ko itong kinabig.
"Sorry? Explain? Ano pa bang i-eexplain mo! Nakita ko na ang lahat!" tumuro ako sa babae. "Ayan oh! May i-eexplain ka pa? Eh hindi na ngang magawang umalis nitong malanding pusit na 'to! Gusto pa ata ng round two habang nandito ako! May pa rose petals, rose petals ka pang nalalaman! Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ko. Huminga ako saglit. "Iyan ba ang pinagbusy-han mo?"
"No, please, listen to me,"
Tumawa ako ng mapait. Pinahid ko ang luhang kusang lumalabas mula sa mga mata. "Malamang oo! Malamang pinagkabusy-han mo iyan! Kaya ka nga hindi nagpaparamdam diba?! Dahil busy ka makaramdam ng sarap! Habang ako, busy sa pag-aalala sa taong hindi naman ako inaalala!"
Lumapit ako sa babaeng nasa ilalim ng kumot. Tumayo lang ako. Nakita kong nagbibihis si Prince ng short. "Hoy! Lumabas ka d'yan! Ipakita mo sa akin ang sobrang kapal na mukha mo!
"Andrea, let's talk about this outside."
"Putangina! Ayoko!" bumalik sa atensyon ko ang babaeng nakahiga pa rin. Hindi ata natinag. Mabilisang tinanggal ko ang kumot at hinila ang buhok niya. Napatayo siya pero hawak-hawak niya parin ang kumot para pangtabon sa madumi niyang katawan.
Bago pa man siya makapag-salita, inunahan ko na siya ng isang malakas na sampal.
"Kailan pa, Sab?" matigas pero mahina kong tanong sa bestfriend kong peste!
Yumuko lang ito. Nakita kong may mga tumulong luha sa mga mata niya."'Wag mo akong idadaan sa iyak. Kung makaiyak ka, akala mo ikaw ang niloloko?! Ang feelingera mo naman! Kelan niyo pa ako niloloko, Sabrina?!" napasigaw na ako dahil sa matinding emosyon. Mas lalong sumikip ang dibdib. Nahihirapan na akong huminga.
"Matagal na..." basag ang boses na sagot niya.
"Eh matagal niyo na pala akong niloloko?! Alam mo, Sab... Tinuring kitang kaibigan, simula noon pa man. Pero anong ginawa mo? Sinira mo ang tiwala ko sa'yo! At hindi lang iyon. Sinira mo pa ang pagkakaibigan at pinagsamahan natin!" sigaw ko sa kanya.
"I'm sorry," mahinang sabi nito. "Hindi ko naman ginustong mahulog sa kanya... Matagal ko na siyang gusto, Andrea... Pero ikaw ang mahal niya... Sorry, gumawa ako ng paraan para magustuhan niya rin ako... I'm sorry, Andrea. I'm sorry," paliwanag niya.
Nag-init ang ulo ko. "Wala ng magagawa ang sorry. Winalgas mo na ang pagkakaibigan natin. Ano pang silbi?"
Nilingon ko muli si Prince. "Siguro naman alam mo na kung saan hahantong 'to, di ba?" walang-emosyong sabi ko.
Tumingin siya sa mga mata ko. Tumingin rin ako sa'yo. Halo-halo ang emosyon niya at hindi ko siya mabasa. "Let me explain... I know may pagkukulang ako sa iyo. Marami iyon. I'm sorry, Andrea. I'm sorry dahil sinaktan kita. Inaamin kong niloloko kita. Sorry. But I fell for Sabrina, Andrea. I'm so sorry,"
Mahinang humihikbi ako pero pinigilan ko ang sarili. Ang sakit. "'Edi inamin mo rin. Tama na ang panlolokong ito. Ang sakit na, Prince. Tsk. Tama na tayo. Tapos na."
"Andrea..."
Tinalikuran ko na sila pero bago ko mabuksan ang pinto, nilingon ko muli si Prince. "Just want you to know you're an asshole, Prince."
BINABASA MO ANG
A Taste of Heaven and Hell [COMPLETED]
General FictionKellan Drake Donovan Falling in love feels like heaven But it hurts like hell. Pleasure is all his to be given. Most amazing nights you'll never forget and tell.