SIX
VIANE DREA SILVA
Dahil sa sobrang nalulungkot akong nag-iisa dito. Tinawagan ko si Miranda at umuwi sa condo. I need someone who would listen to my cries and pain. Sasabog ako kung hindi ko mailalabas ito. And she deserves na marinig ito. She's bestfriends with Sab too. God, I hate her name now!
Tungkol sa pizza, iniwan niya sa akin ang pizza. I thanked him at umalis na rin siya pagkatapos.
"Magkwento ka naman teh. Okay ka lang? Narinig kong nag-away kayo ni Sab," nag-aalalang tanong niya.
"Hindi na kami magkaibigan."
"Ano? Anong nangyari?"
"Nahuli ko si Sab, sa kwarto ni Prince. Nagsumo wresting sa kama," mahina kong sagot. Agad na pinahid ko ang luhang lumabas.
"Sumo wrestling? Teka, double meaning ba 'yun?"
I just nodded my head. I heard her gasped. "Oh my God..."
"May gusto siya kay Prince. Matagal na, kaya gusto niyang kunin. Ayun, nagtagumpay!" bitter kong sabi.
"Omg, paano na 'yung promise nating tatlo?" malungkot niyang sabi.
"Edi wala na. Sinira niya. Bahala na siya." Hindi ko na mapigilang umiyak. Siniksik ko ang sarili ko sa unan ng sofa at doon humikbi. Ang sakit sakit pa rin! Hindi ba pwedeng mawala nalang kaagad ito! Ang hirap! Ang mga ala-ala namin ni Prince at Sab, laging napupunta sa isip ko! Niloko ako ng dalawa kong mahal, ano pang mas masaklap!
Gumawa kasi kami noon ng promise sa isa't isa. Isa roon ang bawal magkagusto sa iisang lalaki o magboyfriend ng iisang lalaki. Maaring makasisira lang daw ito.
"Huy, Andrea..." hinihimas-himas niya ang likod ko para patahanin ako. "Tahan na... Marami pang ibang lalaki d'yan," Pinaupo niya ako ng maayos at niyakap niya ako. "Kalimutan mo nalang siya."
"H-hindi ko alam, Pia... Hindi mawala sa isipan ko ang kirot sa puso ko. Lalong-lalo na ang ginawa ng malanding yan. 'Wag na wag lang siya magpakita sa akin!" humikbi ako sa mga yakap ni Pia. "Pia, pwede ba akong magpakamatay?" pait kong sabi.
"Baliw ka ba! Kung magpapakamatay ka, dadalaw siya kasama ang ibang babae sa funeral mo! Gusto mo iyon?"
"Eh kung ganito lang pala kasakit, magpapakamatay nalang ako para mawala!" humahagulhol ako.
"Kahit kailan hindi naging solusyon ang pagpakamatay. Kasalanan iyon. Mawawala rin yan. Kailangan mo lang ng oras at panahon. Pabayaan mo sila. 'Wag na 'wag kang maghigante. Ikaw lang ang masasaktan at ikaw lang ang kawawa. Sa huli, hindi ka maging masaya. Magpakabusy ka para hindi mo siya maalala. Mingle with other guys, may mas gwapo pa kesa kay Prince noh!"
Umiiling-iling lang ako at patuloy na humikbi sa yakap niya. Ito ang kailangan ko. Comfort.
"Shh... Andrea, hindi ko alam na may gusto pala siya kay Prince. Sinira niya ang pagkakaibigan nating tatlo. At matagal na pa talaga! Pati ang sa inyo ni Prince. Kung hindi lang natin siya kaibigan, sinugod ko na iyon doon! Naku!!" inis niyang sabi.
"'Wag, Pia. Huwag. Pabayaan mo sila. Kaya ko 'to. Namatay nga sina mama't papa, nakaya ko. Ito pa kaya. I need to move on. Tama ka. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo."
"Ganyan nga! Tumpak ka jan, teh!" hinimas niya ang likod ko. "Tahan na, okay? Magagalit sina tito at tita kapag nakikita ka nilang umiiyak."
"Thanks, Pia,"
Tama si Pia. Hindi lang si Prince ang lalaki. Hindi lang si Prince ang prinsipe ko. Hindi lang si Prince. May hihigit pa sa kanya.
"Gimik tayo?" she offered. "Para mawala 'yang pagod mo sa kakaiyak. Mag-enjoy ka na dahil wala ka ng boyfriend!"
BINABASA MO ANG
A Taste of Heaven and Hell [COMPLETED]
General FictionKellan Drake Donovan Falling in love feels like heaven But it hurts like hell. Pleasure is all his to be given. Most amazing nights you'll never forget and tell.