SIXTEEN

6.4K 141 6
                                    


SIXTEEN

VIANE DREA SILVA

Naalimpungatan ako at napilitang magising dahil may kung anong nakadampi sa braso ko.

"Babe, wake up..."

"Hmmm...." niyakap ko lalo ang unan ko. Wala ba siyang ibang alam na gawin kundi istorbohin ako.

"You need to wake up,"

"You need to shut up." namamaos kong sagot.

I heard him sigh. He gently smack my butt and squeeze it. Damn!

"Food is ready,"

Agad kong minulat ang mga mata ko sa sinabi niya. "Food?"

"Yes,"

"Anong ulam?"

"Bacon and hotdogs,"

"Tumalikod ka." utos ko.

"Why?"

"Magbibihis ako."

He gave me a kiss on the cheek. Nakatalikod ako sa kanya. "Para namang hindi ko nakita 'yan lahat," he chuckled and pressed his nose on my neck.

"Eh kahit na! Hindi ako sanay!" reklamo ko.

He laughed. "'Edi masanay ka na,"

Pinalo ko ang braso niya. "Bilis na, Kellan! Nagugutom na ako."

He chuckled again. Hinarap niya ako sa kanya at pinagdikit ang pisngi ko. "Your cheeks are so squishy!!" pinisil niya pa iyon bago binigyan ng halik sa labi.

Tumayo na siya. Inalis niya ang kumot na nakatakip sa akin kaya napasigaw ako. "Manyak! Layas na!!!" sigaw ko sa kanya sabay hablot ulit sa kumot.

Pagkalabas niya, naligo na ako at nagbihis ng pambahay. Nakita ko siya sa dining at umiinom ng kape. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Nakahanda na dun sa plato ko ang kanin at mga ulam at nagsimula na kaming kumain.

"I have schedule for work today," sabi niya.

"Anong work?" sabay kagat ng hotdog.

"Photoshoot."

"Anong ipophotoshoot mo?" nagtataka kong tanong.

Tumingin muna siya sa akin bago sumagot. "Mavi jeans. Nagdadalawang isip pa nga ako kung isasama ba kita o hindi," natatawang sagot niya.

"Bakit naman?"

"Kasi baka mamiss mo ako," he sweetly said and wiggled his eyebrows.

Sumama ang timpla ng mukha ko. "Kapal mo din ano!"

"Bakit hindi mo ako mamimiss?" tampo agad te?!

"Of course, mamimiss!" amin ko.

"Mamimiss mo din pala ako. Diretsuhin mo nga kasi ako, dami pang arte ng cute na babaeng to!" hinapit niya ako sa bewang at hinalikan ang pisngi ko.

"Lakas mangtrip ah!"

"Hindi 'yun trip ah! Totoo mga sinasabi ko. Hindi ako nagsisinungaling sa taong mahal na mahal ko, tandaan mo 'yan. Bakit, gusto mo sabihan kita ng pangit?" natatawang sabi niya.

"Owkayskie," inis kong sagot.

Napatawa siya ng malakas. Ano bang nakakatawa?! Leche to! Abnormal ata to! Sinabihan pa ako ng pangit!

Niyakap niya ulit ang bewang ko at hinalikan ang pisngi ko ng matagal. "Babe, joke lang 'yun. You know that you're pretty. I have said that to you a million times," tumatawa pa rin siya. Patuloy lang ako sa paglamon sa pagkain. Pasalamat siya masarap siya magluto! Kundi tutusukin ko talaga siya sa mata!

A Taste of Heaven and Hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon