TEN

7.1K 157 8
                                    


TEN

VIANE DREA SILVA

"Ibuka mo na! Ano ba!" naiiritang utos niya.

"Ayoko!"

"Ibuka mo na, Silva! Sige na! Hindi ka naman masasaktan niyan eh!

"Basang-basa na ako! Ikaw na!"

"Shit, ang tigas naman!

"Ahhhh!!"

"Ayan! Nabuka na rin! Pesteng payong 'to ang hirap buksan!

Sumiksik na kami sa isa't isa sa payong na hawak ngayon ni Kellan. Inakbayan niya ako para makasya kami. Pupunta kami ngayon sa gym. Buti nga hindi ko nakalimutang magdala ng payong. Pinilit ko siyang mag-gym ngayon dahil gusto kong masubukan. Sa condo lang kasi ako nage-exercise. Siya scheduled ang pagg-gym niya kaya ang ganda ng katawan niya.

Nakasuot ako ng sleeveless sa loob ng kulay gray sweatshirt at leggings na hanggang tuhod at running shoes. Si Kellan naman sobrang gwapo pa rin sa suot na black sleeveless t-shirt, shorts at nike sneakers.

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse niya para hindi ako mabasa. Pagpasok niya, inilagay niya sa likod ng kotse ang maliit na gym bag na share namin at pinaandar niya ang kotse niya patungo sa gym.





"Bastos neto!" saway ko.

"Hoy, Silva! Sino bang kausap mo d'yan?!" pasigaw na tanong ni Kellan. Kasalukuyan siyang nagsi-sit-ups.

"Wala!" sagot ko.

Bumangon siya at lumapit sa akin. "Sinong bastos ba ang tinutukoy mo?"

"Itong treadmill!" turo ko sa treadmill sa harap ko.

Napatingin rin siya roon at nagtatakang kumunot ang noo niya. Pero ang gwapo parin. Mas lalong nadagdagan ang kagwapuhan niya! "Ano bang ginawa niya sa'yo?" Tiningnan niya ako ng 'nababaliw-ka-na-ba look'.

"Tinanong ang weight ko! So rude," I rolled my eyes. Eh nakakainis naman kasi! Alam ko na ngang tumataba na ako tapos itatanong pa ang weight ko! Badtrip! Nakakasakit ng damdamin 'tung treadmill na'to!

"Ano ngayon?" tanong niya.

Ako naman ang nagtaka sa tanong niya. "Shunga ka ba? Hindi na nga ako sexy, pinapamukha pa sa akin weight ko!"

"You're sexy, what the heck is your problem? Ipindot mo nalang ang weight mo jan, para makapagsimula ka na," iniiling na sabi niya na may ngiti sa labi at bumalik doon sa mat chuchu at nagsit-ups muli.

Pinindot ko na ang weight ko dun at tumakbo na rin ako. Takbo lang ako ng takbo na hindi ko alam kung ilang minuto na ba ako tumatakbo. Paminsan lumalakad rin ako sa treadmill ng ilang minuto tapos balik na naman ako sa pagtakbo.

Pumwesto ako doon sa mat.  Wala na si Kellan, tapos na ata siya. Humiga ako at  nagsit-ups, curl-ups, elbow plank, superman and everything shits!

Pagkatapos hinanap ko si Kellan at duon sa medyo dulo ng gym. Nagha-hanging knee lifts at topless! Lumapit ako sa kanya at napalunok ako nang makita kung paano nagfl-flex ang biceps niya tska ang anim niyang pandesal!

Shit....

Nakikita ko pa ang pagtulo ng pawis niya mula sa noo niya pababa sa pisngi, pababa sa jawline niya, pababa sa leeg niya, sa abs... Naamoy ko pa ang pawis niyo at infairness, mabango iyon. Nakita ko pa ang buhok niya sa kili-kili. At ang mas kinababaliwan ng buong sistema ko ay ang muscles niya sa braso at ang abs niya talaga!!! Napapanganga ako habang tinititigan iyon.

A Taste of Heaven and Hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon