FOURTEENVIANE DREA SILVA
Umuwi na rin kami pagkatapos naming kumanta doon. Sinabihan pa kami ni nanay na sana magtagal pa ang relasyon at sana raw kami raw ang magkasama hanggang sa altar. Si nanay talaga!
Sa nangyari ngayong araw, masasabi kong nag-enjoy ako. Kahit nung nangyari kanina sa restaurant, nawala iyon sa isip ko dahil kay Kellan. Ang bilis niyang kutkutin ang nasa isip ko at siya ang ipapalit dun. Nag-eenjoy talaga ako sa kahit ano pa mang gawin ni Kellan. Kahit wala kaming gagawin, makausap lang siya ang saya-saya lang talaga, kahit lagi niya akong inaasar at lagi kaming nag-aaway sa mga nonsense na bagay.
Ganyan talaga ata si Kellan! Madaling pakisamahan at masayahing tao. Sinasakay ang mga trip mo. Pero ang sarap niyang sipain na parang soccer ball sa sobrang kamanyak at kakulitan. Mukhang wala nga talaga siyang pinopoblema. Nakakainggit siya.
Teka! Wala naman akong pinopoblema ah! Sinong sabi may poblema ako? Nakasama ko lang tong damuho na to, nawala lahat ang mga aalala sa isipan ko.
Double teka! May gusto na ba ako sa kanya?
Shit malupit! Gusto ko na ata siya! Ang bilis naman! Nakuha niya na kaagad ang gusto niya! Pero sorry ka bruh! Hindi ko muna sasabihin sa kanya. Gusto ko siyang magdusa muna! Hindi ako katulad ng mga babae niya noh! Bwahahaha!
"Ako ba ang laman ng utak mo kaya ka namumula, Viane?"
Hellshit! Madali ba akong basahin? "Hindi noh! Ba't naman kita iisipin?"
"Kasi mahal mo na rin ako?" he bragged.
"You figure it out." wika ko.
He chuckled. "I figured it out already, Silva. But I want to hear it from your lips,"
Oh my god! So nasesense niya talagang may gusto na ako sa kanya?! Pero hindi ko pa alam kung mahal ko ba siya. Ang bilis kasi ng mga pangyayari. Paano niya nalaman?! Wala naman akong sinasabi ah! Expressionless kaya ako!
"M-May pupuntahan pa ba tayo?" nauutal kong tanong. Kinakabahan ako sa mga salita niya! Nabuking na ako!
"Why? Gusto mo ng umuwi? Are you tired?" nag-aalalang tanong niya sabay palipat-lipat ang tingin sa akin at sa dinadaanan.
"I'm tired, Kellan. Pero sobrang nag-enjoy ako ngayon. Thank you," ngumiti ako sa kanya.
"May susunod pa ito. Expect that. Liligawan pa rin kita kahit alam ko na ang isasagot mo," he winked.
"Mind reader ka ba?"
"No, bakit? Kasi tama ba ang mga sinabi ko?"
I rolled my eyes. Ang hangin! Mas malakas pa ang hangin niya kaysa sa aircon ng kotse niya. Grabe!
Nang dumating sa condo unit ko, hinatid niya pa ako papasok sa kwarto ko. Nagulat ako nung siya pa ang nagtanggal ng bago kong vans na binili niya. "Magbihis ka muna't maligo bago ka matulog, okay?"
I blushed. May dugo rin pala siyang caring at sweet grabe! Tama na, Kellan! Baka hindi ako makapag-pigil.
"O-Okay, thanks." he just smiled sweetly. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong yakapin siya na sobrang higpit. Gumanti rin siya sa bewang ko. "Thank you, Kellan. Ang saya ko ngayon. Sobra!"
"Para tu."
"Huh?" Ano daw?
"Para tu."
"Anong ibig sabihin n'yan?"
"For you." he showed his set of white teeth again. Nakahapit pa rin ang mga braso niya sa bewang ko.
BINABASA MO ANG
A Taste of Heaven and Hell [COMPLETED]
Ficção GeralKellan Drake Donovan Falling in love feels like heaven But it hurts like hell. Pleasure is all his to be given. Most amazing nights you'll never forget and tell.