TWENTY-TWO

5.9K 121 5
                                    

TWENTY-TWO

VIANE DREA SILVA

Tahimik na nagmamaneho si Kellan pauwi sa condo. Pagkababa ni Andrea sa isang condominium, sinabihan niya agad ako na lumipat sa passenger seat. Walang imikan. Tanging ingay ng aircon lamang ang naririnig.

Pagdating sa condo unit ko, "What was that?" singhal niya.

"What that?"

"Don't be too blind, Silva!" napasigaw siya pero hindi ganoong malakas.

"Ano bang sinasabi mo?" napataas na rin ang boses ko. Ba't ako pa ngayon ang sinesermon?! Siya ang may kasalanan at tinatanggap ang landi ni Andrea! Hinalikan ng impakta bago bumaba ng kotse! Mas malandi pa sa ahas!

Napakapit siya sa buhok niya. Namumula na ang tenga niya. "God, Silva! Just say it! Say you won't go back to that guy!"

"Sinong lalaki ba ang tinutukoy mo?! Wala akong ibang lalaki!"

"Wala ka ngang ibang lalaki. Pero meron kang dating lalaki!"

How dare he! Pinanlakihan ko siya ng mata. "So inaakusahan mo na akong nanlalalaki ako?! Kahit wala naman?! Nagsalita ka nga, hindi naman katotohanan 'yang sinasabi mo,"

"You said it earlier, Silva. I fucking heard it! You said you still love that guy at handa kang mahalin siya ulit,"

My jaw dropped. Pulang-pula na ang mukha niya sa inis. A smile formed on my lips. "A-are you jealous?"

"No, hell!"

"Weh? Okay lang sa'yong mapupunta ako sa ibang lalaki?"

"No fucking way! Damn it, Viane!" naging maamo na ang mukha niya. Nagmura siya ng mahina. "Are you leaving me? Please, don't leave me," hinapit niya ako sa bewang at niyakap ako. Nilayo ko ang katawan ko sa kanya.

"Eh ikaw na nga ang may planong iwan ako eh! She kissed you pero wala lang sa'yo. Tinanggap mo pa!"

"What? No! It was just on the cheek--"

"Cheek? Sa cheeks lang? Sa tingin mo hindi ako magagalit kahit sa cheeks 'yan o kahit sa paa pa 'yan?!"

"See, you're the one who's jealous here." he smirked.

"Of course, nagseselos ako. Sino bang girlfriend na hindi magseselos kapag may babaeng humahalik sa kanya? Tapos ex pa?"

"Yeah, she kissed me. But I felt nothing with it, Viane. Sa'yo lang lumulukso ang dugo ko," I rolled my eyes para pigilan ang kilig na nararamdaman ko. Grabe talaga magpakilig! "Seriously, Viane, please... Don't come back to him. Stay with me,"

"I won't come back to him, okay? Wala akong sinabing ganyan,"

"But you said it, Viane. Sinabi mo iyon, kasama pa natin si Andrea!"

"Hindi para kay Prince 'yun, okay?! It was for Sabrina! Makipag-ayos na ako sa kanya,"

Tila nabuhay ang kaluluwa niya. "Really?" I nodded. "I don't believe it."

Kumunot ang noo ko. "You said you love me pero hindi mo magawang paniwalaan ako?" Oh, Kellan...

"I love you, yeah, I trust you,"

"You trust me? Then kapag sinabi kong makipag-ayos ako kay Sab, gagawin ko 'yun,"

"What about that fucking Prince?"

"We're not okay, yes. Pero masasabi kong we officially broke up. Wala ng dapat pag-usapan pa."

"Promise me?"

A Taste of Heaven and Hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon