Chapter 26: Unforeseen Beginnings
Xave's POV
Nasa loob ako ng kotse kasama ang lalaking magiging fiancé ko kuno. Si Dad ang may pakana nito—siya ang nag-insist na sabay kaming pumasok sa school. Akala ko pa naman magkaibang school kami, pero mukhang matagal na pala niyang plinano ito nang hindi sinasabi sa akin.
Ang dahilan daw ay dahil alam nilang tatanggi ako, mabuti naman alam nila, kaya mas mabuting itago muna sakin daw para wala na akong magawa. Okay tagumpay sila don Totoo ba ‘to? Family ko ba talaga sila? Gusto ko nang maiyak sa inis pero nagpipigil lang ako. Deserve nila ng isang sampal sa paa para matauhan sila kung paano nila tratuhin ang bunso nila. May araw din sila sakin.
Ang ganda-ganda ko, pero ganito nila ako itrato?
Siguraduhin niyo lang na may maganda kayong dahilan para rito. Siguro ganito talaga kapag bunso ka—wala kang maangal sa mga desisyon nila. In fairness naiipon ang tampo ko.So, paano nga ba ako nakumbinsi ni Dad...
Balikan natin ang nangyari isang oras ang nakalipas...
"Mom, aalis na po ako," sabi ko habang hinalikan si Mom sa pisngi bago tumungo sa pinto. Yesszzuu magkasundo na kami di lang halata may nangyari kasi pero sa susunod ko nalang ikwekwento papasok na sa school ang magandang si ako.
"Uhm, Valar, you should go with Xave," biglang sabat ni Dad, nakatingin ito kay Valar na paalis na rin habang nakasabit ang bag sa balikat niya.
Pareho kaming napahinto at napatingin kay Dad. Ano na naman 'tong iniisip niya?
"Uh, Dad, I don’t think we go to the same school, so bakit kami magsasabay?" tanong ko habang tinaasan siya ng kilay at nilagay ang mga kamay sa bewang ko.
"Who said you don’t go to the same school?" sagot ni Dad na parang walang pakialam, tuloy lang sa pagbabasa ng diyaryo. Bat nagbabasa pa siya niyan may gadget oh. Matanda talaga.
Speechless akong napatingin kay Valar, na parang wala lang sa kanya yong sinabi ni Dad at ang loko tinaasan lang ako ng kilay. Dad, ako ‘yung pumapasok sa school, hindi ikaw. Bakit ako ang huling nakakaalam kung saan ako nag-aaral? Ramdam ko sa dibdib ang inis. Wala akong sinabi, pero kitang-kita nila sa mga mata kong nanlalamig. Dahil sa malamang may desisyon na naman sila na kasama ako pero ako pa ang huling makaka alam pambihira.
"Well, we knew you wouldn’t agree, so we didn’t tell you. In return, check your card." Ah, bribery pala ang atake. Fine. Sino ba naman ako para tumanggi pasalamat sila pulubi ako ngayon. Wala naman sigurong problema kung magka-school kami. Malay mo, sa laki ng university, hindi rin kami magkita.
Pinilit kong ngumiti, pumikit ng saglit, and roll my eyes inside. Wala na akong magagawa, hands up na ako sa sitwasyon....for now. Mukhang alam na rin ni Valar na magka-school kami all along, at ako lang ang walang alam. Ang galing.
Wala na akong choice kundi pumunta sa garage at sumakay sa bagong kotse na hindi ko pa nakikita. Malamang sa kanila to. Kakabalik lang nila kahapon mula sa bakasyon, pero may bago na agad na kotse. Iba talaga ‘pag mayaman. Instant.
Mayaman ka din naman Blea ah. Di naman akin yon. Sira na talaga tong utak ko sa nangyayari kinakausap ko na sarili ko.
Kaya eto na kami, tahimik na nakaupo sa loob ng kotse... ayos ah parang normal lang, pabor din naman sakin ang ganto kaya okay lang.
Tahimik lang kami pareho, walang pakialaman, hindi naman awkward. Siguro dahil wala naman talaga kaming pakialam sa isa't isa.
Pagkalipas ng ilang minuto, dumating na kami sa school gate. Ang daming estudyante, kanya-kanyang pasok sa university.
Sabay kaming bumaba ng kotse, at expected na may ilang napapatingin sa amin. Hindi naman kasi ordinaryo ang aesthetic ng isang to lalo na ang wardrobe ni Xave pinarisan pa ng makamandag na visual cards. Pede ng artista, di ko lang sure kong anong dating ko ngayon balahura ako eh baka nadala ko dito pasensya na Xave, I'll learn nalang from you next time.
Authors rants: ^-^
![](https://img.wattpad.com/cover/338664837-288-k871533.jpg)
BINABASA MO ANG
Reincarnation Series: Mafia Daughter
FantasySynopsis Blea Anderson, a distinguished general, achieves success and maintains an untarnished reputation. Yet, a lingering emptiness haunts her, an elusive void she can't identify. Despite numerous attempts to pinpoint it, she remains in the dark. ...