Chapter 9: Why?
Xave POV
"Vieq, who's this lady here?" tanong ng bagong dating na lalaki, may matigas na itsura ang mukha niya at nakakakilabot ang tingin ng mga mata niya. Napaka-menacing na parang tumatagos sa kaluluwa ko.
"Syempre kapatid ko hindi ako hangal para magdala ng babae sa mission, nga pala bunso namin," sagot ni Kuya nang walang pag-aalinlangan. Bahagyang tumaas ang mga labi niya, tila may pahiwatig na ngiti.
Bigla akong nakaramdam ng init sa dibdib. Tinanggap nila ako. May pamilya pala akong pwedeng uwian araw-araw. Pero isang tanong ang bumabagabag sa isip ko: bakit hindi nila ipinaalam sa iba na may bunso silang kapatid? Ang gulo, pero at least alam kong may pamilya akong masasandalan.
Napatingin sila sa akin, tapos kay Kuya, tapos muli sa akin. Halatang litong-lito sila kung bakit sinama ako ngayon.
Napakarami kong tanong sa isip ko, pero mas naiinis ako dahil parang walang balak si Kuya sagutin ang mga tanong nila. Ang kulit niya, pero sa totoo lang, natatawa rin ako sa pagiging deadma at walang pakealam niya.
Mukha namang parehas ang pakiramdam nila—naiinis pero wala rin silang magawa. Ganoon talaga si Kuya, unpredictable, at hindi mo siya mapipilit. Nakakatuwa siyang pagmasdan, pero syempre, hindi ko pinapakita.
Narinig kong bumuntong-hininga ang isa sa kanila at tumingin nang diretso kay Kuya. "Aalis na ba tayo o ano?" Malinaw na pasensyoso ang taong ito, pero kita sa mga galaw niya na hindi siya mapakali.
"Ah, tama. Tara na," sagot ni Kuya na walang emosyon, sabay tayo nang walang kaabog-abog. Sumunod agad ako, at maya-maya, sinundan din kami ng iba palabas. Tahimik silang pumunta sa mga sariling sasakyan habang nauna kami ni Kuya.
Pagkatapos ng ilang minuto, pinangunahan na kami ng mga kasamahan namin. Hindi ko alam kung bakit, pero ganoon talaga si Kuya Vieq. Lagi siyang may sariling diskarte, at laging mahirap hulaan ang susunod niyang gagawin. Parang may sarili siyang mundo.
Minsan naiisip ko, bakit kaya ganon sila sa totoong Xavi bakit di ko nakitang kinakausap ang kapatid nila , pero sa tingin ko okay na rin to parang masaya rin siyang panuorin na parang walang pakialam kahit na alam kong may naramdaman naman talaga siya.
"Is Xavi a bad sister?" bulong ko sa isip ko. Pero natawa rin ako sa sarili ko. "Hindi, duwag lang siya haha. Haha!"
Ang totoo, hindi ko pa talaga kilala si Kuya. Kaya mula ngayon, aalamin ko lahat ng tungkol sa kanya, sa kanila, pero hindi niya dapat malaman. Mas mabilis kasi akong mag-obserba kaysa umasa sa CCTV recordings. Ang hirap kasi kapag bigla siyang nagbabago ng plano.
Tahimik akong tumingin sa kanya habang nagmamaneho. Napaka-kalmado niya, pero alam kong malayo ang iniisip niya. Anuman ang misyon na ito, mukhang tiwala siya na magagawa namin ito. Ako naman, sinusubukan kong maging handa kahit wala akong ideya sa mga susunod na mangyayari.
Minsan, gusto ko siyang tanungin, pero alam kong hindi rin siya sasagot. Kaya iniisip ko na lang ang mga paraan para masundan siya sa mga plano niya. Hindi dahil gusto kong nagmamagaling, kundi para masigurado kong hindi kami magkakamali.
Kuya Vieq, gusto kitang maintindihan, pero parang lagi kang isang hakbang sa unahan. Siguro ganoon talaga siya—isang misteryo na unti-unti kong lulutasin.
Authors rants: Another short update, I don't have anything else in mind for now, mwah mwah to those who are reading.
![](https://img.wattpad.com/cover/338664837-288-k871533.jpg)
BINABASA MO ANG
Reincarnation Series: Mafia Daughter
FantasySynopsis Blea Anderson, a distinguished general, achieves success and maintains an untarnished reputation. Yet, a lingering emptiness haunts her, an elusive void she can't identify. Despite numerous attempts to pinpoint it, she remains in the dark. ...