Kabanata 1

28 2 0
                                        

Isa, dalawa, tatlo, ilang araw paba ang kailangang bilangin?
Bilangin sa bawat pag patak ng oras na ikaw ang naiisip,
Naiisip sa bawat paglipas ng oras at araw na tanging ikaw lamang ang nasa isip.

Hindi maintindihan kung sadya bang nangugulila, o sadyang naiisip kalamang dahil may pinagsamahan.
Pinagsamahang ni minsan hindi ko nilimut,
Pinagsamahang ilalagay ko sa isang kahon na tila isang iniingatang bagay,
Bagay na habang buhay kong iingatan.

Iingatan kahit na hindi na ako ang iyong kasama sa paggawa ng bagong kwento,
Kwentong ating sinimulan,
Sinimulan na magkasama ngunit naputol sa kadahilanang isa saatin ang bumitaw.
Bumitaw na ang naging resulta'y masaya kana sa piling ng iba,
Iba na hindi ko inaasahang siya pa ang iyong makakapareha,
Habang hindi matanggap, eto ako sa isang madilim na lugar.
Lugar na bigla kong hindi maalisan, sapagkat huli konang napagtanto....

Na isang kasinungalingan lang ang lahat, na hindi na kita mahal at kaya konang makita kang masaya sa iba.

Ngunit anong magagawa kung kampante narin ako,
Ako na makita kang masaya, kahit na ang kaluluwa ko'y nanatili sa isang lugar na puno ng mga ala-ala.
Ala-alang kumakain sa buong isipan at nagiging dahilan kung bakit ang mga butil ng tubig ay umaagos saking mga mata.

Spoken Poetry
By: Alex'Sky Writes

Spoken PoetriesWhere stories live. Discover now