Sa malalim na gabi tila bumagal ang oras,
Oras na hindi ko inaasahang malalaman at masasaksihan ko.
Hindi malaman ang tunay na dahilan,
Dahilan kung bakit bigla mo nalang ako inilayo ng tuloyan sayong buhay,
Buhay mong ako ang dating kabahagi.Habang isinusulat ang bawat katagang ito, hindi maiwasang makaramdam ng matinding kalungkotan.
Kalungkotan at pagkakaroon ng sakit mula sa puso,
Sa pusong tila ilang beses sinaksak ng patalim.
Na tila unti-unting nagiging manhid kahit na paulit-ulit itong saktan.Pero hindi parin maiwasang manggilid ang mga luha at bumagsak ng tuloyan,
Tuloyang hindi na maiwasan masaktan ng labis.
Alam kong nagkamali ako,
Pero hindi ko inaasahang tuloyan mona akong inalis sa buhay mo.
Na tila'y pati pinagsamahan natin ay binura mona sayong puso't isipan,
Puso't isipang iba na ang naka imahe.Hindi ko inaasahang masasaktan ako ng ganito,
Kagabi kolang din nakumpirma,
Nakumpirma na mahal parin kita.
Dahil kung hindi bakit nasasaktan ako ng ganito ka labis?
Ang nais lang naman sana ng puso ay magkaroon ng kaunting impormasyon sayo,
Imporsyon na kung ayos kalang ba, kung masaya kaba.
Yun lang naman sana ang nais na hindi ka ginugulo,
Ginugulo dahil alam kong mas makakabuti na manatili na lamang akong hangin.Ngunit ikaw narin ang nagbigay motibo,
Motibo na kaya mona na wala ako.
Wala ako't nialis mona ng tuloyan sa mundo mo,
Mundo mong tuloyan kona ding hindi na gugulohin.Nasasaktan ng labis,
Pero wala nako magagawa kundi ang sumuko't kalimutan narin ang lahat.
Ang lahat lalo na ang salitang "mahal kita"Spoken Poetry
By: Alex'Sky Writes

YOU ARE READING
Spoken Poetries
PoesiaSa bawat katagang bibitawan, Bibitawan at mababasa ay naglalaman ng bawat damdamin, Damdaming aapaw sa bawat pagsulat. @Xandria1111