Kabanata 17

11 1 0
                                        

Napapatanong kung ako ba ang iyong pipiliin,
Piliin na makasama habang buhay at ipakilala sa iyong magulang.
Ngunit may pagkakatanong napapaisip din,
Napapaisip din na baka hindi ako ang iyong piliin.

Ibinigay kona ang lahat,
Ang lahat na dapat patunayan at iparamdam,
Iparamdam na kung gaano ka halaga saakin,
Kung gaano kita kamahal.

Sinta, kung siya man ang mapili?
Ay wala nakong magagawa,
Wala na dahil wala naman akong karapatan,
Karapatan na ako ang iyong piliin,
Piliin na mahalin.

Napakasakit mang isipin,
Isipin na siya ang iyong piliin.
Lalayo nalang ako sa inyo,
At iiyak ng patago.

Kung mangyari mang hindi ako,
Hindi ako at siya ang iyong piniling mahalin.
Ang tanging hiling lamang ay ingatan ka niya't mahalin,
Mahalin ng subra't tunay.

Dahil kahit na masasaktan ang puso,
Ay muli naman itong sasaya.
Sasaya kapag alam kong sa kanya'y masaya ka.

Spoken Poetry
By Alex'Sky Writes

Spoken PoetriesStories to obsess over. Discover now