Kabanata 33

7 1 0
                                        

Habang napapalibutan ng mga taong umiibig,
Tila'y ang puso ay napapatanong kelan koba mararamdaman ang pag-ibig?
Kelan ba magiging matapang?
Matapang at hindi duwag.

Masayang nalalamang masaya ang mga kaibigang nakatagpo na,
Nakatagpo na nang mamahalin nila at mamahalin din sila,
Sila na naghangad din ng tunay na pag-ibig at dumating na.

Ninanais din ng puso pero sinasabi ng isip na huwag na muna sa ngayon,
Sa ngayon na pinapangunahan pako ng takot,
Takot na maulit ang nakaraang sakit na naramdaman.
Huwag muna ngayon,
Saka na bagay handa na talaga ang puso,
Puso na balang araw wala nang mararamdamang pag aalinlangan at takot,
Takot na sumubok na sumugal muli.

Spoken Poetry
Alex'Sky Writes

Spoken PoetriesWhere stories live. Discover now