Paano ba?
Papaano ba sasabihin, sasabihin na gustong-gusto kita.Nais ipaalam ang tunay na damdamin, ang nilalaman ng puso na ikaw lang palagi ang sinisigaw.
Nais ipakita kung gaano katunay ang aking sinasabi't nararamdaman,
Nararamdaman na kahit anong gawin ay hindi na mabago.Gustong magtapat ngunit ang puso'y parating pinangunahan ng takot,
Takot na masaktan muli at may mabago.
Kelan kaya,
Kelan kaya magkakaroong ng lakas ng loob umamin, ang isang tulad ko na dati'y nabigo na sa paningin mo?Mahal kita, yun ang totoo.
Spoken Poetry by: Alex'Sky Writes
@Xandria1111
![](https://img.wattpad.com/cover/341511509-288-k709213.jpg)
YOU ARE READING
Spoken Poetries
PoetrySa bawat katagang bibitawan, Bibitawan at mababasa ay naglalaman ng bawat damdamin, Damdaming aapaw sa bawat pagsulat. @Xandria1111