Kabanata 28

9 1 0
                                        

Alam mo yung kasabihan na...
Ang ibinigay ng isang tao nandito pa,
Pero yung tao wala na.

Nasan kana?
Nasan kana at tila ang hirap mong hanapin?
Nasan kana at tila hindi na kita maramdaman.

Sana'y sinama mo narin,
Sana'y pati mga ala-ala na ikaw ang kasama ay sinama mo,
Sinama mo sayong paglisan,
Paglisan na nag iwan ng matinding sakit sa puso.

Hindi maisip ang dahilan,
Dahilan kung bakit bigla nalang ika'y nawala,
Nawala kasama ng iyong mga pangako,
Pangakong binitawan saakin,
Na ako'y iyong mahal at iingatan.

Palaging ginugulo ng mga ala-ala,
Ala-alang nagiging dahilan ng mga luha nagbabadyang pumatak.
Nasan kana...

Napapatanong kung saan ba nagkulang,
Nagkulang nga ba?
Lahat naman ay ginawa,
Ginawa't pinatunayan na ika'y aking mahal.
Ngunit bakit parang nabalewala nalang ang lahat,
Ang lahat ng pinag-samahan at ako'y bigla nalang iniwan,
Iniwan sa isang lugar na hindi magawang lisanin kaagad.

Yung mga ala-ala nandito pa,
Ngunit yung taong kasama bumuo ng ala-ala'y wala na,
Wala na't ako'y iniwang nag iisang nagdudusa.

Spoken Poetry
By: Alex'Sky Writes

Spoken PoetriesStories to obsess over. Discover now