Kabanata 35

7 1 0
                                    

Alam ng puso na kapag nagtagal na'y sayo parin,
Sayo parin gugustohing sumugal muli.
Alam ng sarili na nanguguna man ang takot,
Hindi naman magsisinungaling ang pintig ng puso sa tuwing ika'y nakikita't nakakasama.

Alam ko,
Pero saka na,
Saka na paninindigan ang nararamdaman,
Saka na kapag ang puso'y hindi na kinakain ng takot,
Saka na kapag may lakas na ulit ng loob sumugal ang mag mahal,
Saka na kapag kaya na ulit ng puso tumanggap ng kahit anong katotohanan.

Dahil sa ngayon mas nangingibabaw ang takot,
Takot na kelangan ko pang ayosin,
Ayosin pati ang sarili ko,
Sarili kona balang araw yung sunod na muli ding susugal saakin,
Ay wala nang atrasan pa.

Kung muli mang matatagpoan ang pag-ibig,
Mas nanaiisin nang pang matagalan.
Dahil pagod na sa salitang "pansamantala".

Spoken Poetry
By: Alex'Sky Writes

Spoken PoetriesWhere stories live. Discover now