Papaano nga ba sisimulan? Papaano nga ba ipapahayag ang damdamin? Damdaming na parang sasabog na nang wala sa oras, Oras na hindi na napigilan. Napigilang sabihin na "Gusto kita"
Habang ika'y naglalakad palapit saakin, Saakin na kapag ika'y nasisilayang lumalapit. Tanging ikaw nalang ang nakikita, Nakikita't hindi nanaman mapakalma ang puso. Puso na di nanaman mapakanali, Mapakanali dahil halong kaba at saya ang nadarama.
Kailan kaya? Kailan kaya makakayang sabihin, Sabihin na ikaw ang nais makasama. Makasama sa masasayang pangyayari, Pangyayari na ikaw at ako ang bubuo. Na ikaw ang gusto lamang hangga't hindi pa huli ang lahat, Lahat na pwedeng mangyari. Mangyari na baka iba pa ang bumihag sa puso mo, Puso mo na ninanais na balang araw ako ang magiging dahilan. Dahilan makaramdam ng salitang "Gusto kita"
Halika't dito ka saaking tabi ket saglit lang, Saglit lang at hayaang magsalita. Magsalita at aminin ang matagal nang itinatago, Itinatago na hindi na kaya pang ilagay na lamang sa isang malalin na espasyo.
Sa bawat oras na lumipas, Walang ibang inisip kundi ikaw. Sa madaling salita may pagtingin ako, Pagtingin na ikaw ang salarin. Tanging hiling lang ay makita mo, Makita mo saking mga mata na ikaw lamang ang nakikita.
Nakikita't hindi namamalayang isang ngiti na ang nakaguhit saking mga mata't labi, Pagod kana bang matrato ng mali? Ihanda mo ang iyong sarili, Kasi sa landas na ket walang kasiguradohan na patungong dulo. Patungong dulo, dahil ikaw ang gustong makasama, Makasama hangga't hindi pa huli ang lahat.
Hayaan mo ako, Hayaan mo ako ang magbigay liwanag at saya't sayong puso. At iparamdam ang pag-ibig na hindi hahayaang masira muli.
Dahil gusto kita, Gusto kita makasama, Gusto kita mapasaya, Gusto kita at hindi na mababago pa.
Spoken Poetry By: Alex'Sky Writes
Isinusulat para kay Binibining Yssa
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.