Nandiyan kapa ba?
Nandiyan paba yung taong minahal ko?
Nandiyan paba yung naging pahinga ng puso?
Nandiyan paba yung nangakong ikaw at ako hanggang dulo...Sayong mga gawi't pakikitungo ay agad napapansin,
Napapansing pra may dumaan na malamig na hangin,
Malamig na hangin na daig pang tinangay ang saya sating dalawa.Dahil sa tuwing magkakasama't usap,
Ay tila nag iba kana.
Hindi kona maramdaman yung init ng pagyakap sayong bisig,
Bisig na tanging takbuhan ko sa kasiyahan at kalungkotan.Pakisabi naman,
Pakisabi namang kung ang iyong pag-ibig ay naglaho na.
Naglaho nanga ba?
Sabihin monga saakin,
Ikaw paba ay may pagtingin?Ayaw mo naba?
Ayaw mo naba saking mga yakap?
Mga yakap na ika'y iniintay,
Iniintay at umaasang ako parin ay iyong mahal.Ngunit sayong presensiya'y nakakarandam,
Nakakarandam ng pagbabago.
Pagbabago na kahit ako'y nasasaktan,
Pag-ibig ko sayo'y hindi magbabago.Nasasaktan ang damdamin,
Nasasaktan sayong pagbabago at hindi na maiwasan maitanong...Sabihin sakin ng tapat,
Hindi mo naba minamahal?Spoken Poetry
By: Alex'Sky Writes
Isinulat para kay Binibining Yssa
YOU ARE READING
Spoken Poetries
PoesíaSa bawat katagang bibitawan, Bibitawan at mababasa ay naglalaman ng bawat damdamin, Damdaming aapaw sa bawat pagsulat. @Xandria1111