Ayuko, ayuko ng ganitong nararamdaman.
Nalilito sa bawat maiisip, nalilito sa kung ano dapat ang maramdaman.
Inis, lungkot, pagkadismaya, pagkawalang bahala.
Napapaisip kung nararapat ba sakin ito,
sa isang banda ng aking isipan ay nararapat lang, ngunit sa kabila'y sinasabing nararapat rin naman makaramdam ng tunay na pagmamahal.
Hindi nagmamadali, ngunit gustong maranasan.
Natatakot ang puso, ngunit gustong sumubok.
Pero bakit kung kelan handa na, saka naman nagkakaron ng rason na huwag na ituloy sumubok?
Gustong itigil, ngunit pinipigilan ng pag-iisip na baka may dahilan.
Gustong umawat, ngunit hindi mawari kung gusto bang umawat talaga.
Hindi kona alam....
Spoken Poetry
By: Alex'Sky Writes
@Xandria1111
YOU ARE READING
Spoken Poetries
PoetrySa bawat katagang bibitawan, Bibitawan at mababasa ay naglalaman ng bawat damdamin, Damdaming aapaw sa bawat pagsulat. @Xandria1111
