Imahinasyon, Palaging nagkakaroon imahinasyon saking isipan, Isipang puno-puno ng masasayang kathang-isip na ikaw ang kasama. Imahe ng iyong magandang mukha palagi ang unang gumuguhit saking isipan, Na hanggang sa panaginip ay ika'y nandon.
Nandon at masaya saking piling, Saking panaginip na kala mo'y tunay saking pakiramdam, Dahil ramdam ang kasiyahan saaking puso, Puso na ikaw lamang ang isinisigaw.
Gustong-gusto kita, Bat hindi mo nakikita? Hindi mo nakikitang ika'y palaging pinagmamasdan, Pinagmamasdan sa bawat iyong pagdaan, Pinagmamasdan sa bawat ika'y nakikita.
Palaging nabibighani sayong kagandahan, Kagandahang hindi nakakasawang pagmasdan, Puso'y hindi na mapigilang makaramdam ng kasiyahan.
Dahil ika'y iniibig sinta, Kailan ba magkakaroon ng salitang "Tayo na?" Ikaw kasi tong nag iisang minimithi, Minimithi na tunay na maging akin.
Dahil saking panaginip ay ika'y pinapakasalan na, Baliw mang isipin pero...
Tanging hilig lang ng aking puso't isipan ay, makatabi't maging dahilan ng iyong mga ngiti. Mga ngiti na palagi kong gusto masilayan, Dahil makita lamang ang iyong mga ngiti ay subrang nabibighani na ang aking puso.
Pusong hanggang sa imagination at panaginip ay ikaw lang ang imahe, Kung saan ika'y akin. Imahinasyong sana'y maging tunay balang araw.
Spoken Poetry By: Alex'Sky Writes Isinulat para kay Binibining Yssa
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.