Kay tagal nang umiibig, Umiibig natila'y naging hanging dumaan lamang, Dumaan lamang sayong harapan, Harapan na ni sulyap lamang saking pag-ibig ay hindi pinagbigyan.
Pero kahit na ika'y magkulang, at hindi magbigay pansin. Huwag kang mag-alala't ni minsan ay hindi ko inisip na magtanim ng hinanakit, Huwag ding mangaba, dahil hindi karin paghahanapan. Paghahanapan ng isang pag-ibig, Pag-ibig na alam ko namang hindi ko makakantam.
Sadyang ganito lang talaga kapag nagmamahal, Nagmamahal kahit na may sakit na kapalit, Kapalit na handa namang salubungin at lagpasan. Hayaan molang na ika'y aking mahalin, Mahalin hanggang sa ang puso ang puso ang kusang sumuko.
At kung hindi man dumating sakin ang panahon, Panahon na ako'y iyong mahalin, Asahan mong hindi magdaramdam kahit nasasaktan, Nasasaktan na alam ko naman balang araw ay tatahan din.
Asahan ding darating ang araw, Araw na mananahan din ang pusong umiibig kapag labis nang nasaktan at napagod, Kaya't huwag magtaka kung ako ay hindi na naghihintay. Dahil kahit na ialay lahat ang pag-ibig, Ay wala ding saysay. Wala ding saysay sa iyong hindi pagbigay pansin.
Spoken Poetry By: Alex'Sky Writes Isinulat para kay Binibining Yssa
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.