We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Kabanata 29

12 1 0
                                        

Para akong isang kaluluwa,
Isang kaluluwa na hindi matahimik,
Na kung saan-saan na naglakbay,
Ngunit hindi parin mahanap ang tunay na kasagutan.

Bakit?
Bakit kung kelan nararamdaman kona ang kasiyahan,
Saka naman ako mumultohin ng mga ala-ala?
Bakit kung kelan gusto ng lumisan,
Saka ka naman biglang magpaparamdam?

Aminadong naghahangad,
Naghahangad bumalik sa umpisa,
Sa umpisa kung saan masaya pa tayong dalawa.
Ngunit mas nais nang lumisan sa sakit,
Sa sakit na ayaw kona muli maramdaman pa.

Hiling nalamang ay sana'y balang araw,
Matahimik din.
Matahimik at hindi na nasasaktan,
Nasasaktan sa bawat pag multo ng mga ala-ala.
Na sana'y makalaya na.

Spoken Poetry
By: Alex'Sky Writes

Spoken PoetriesStories to obsess over. Discover now