We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Kabanata 16

17 1 0
                                        

Nandito lang ako sinta,
Nandito lang ako sa isang tabi,
Sa isang tabi't naghihintay sayo,
Sayo na handa parin gawin ang lahat.

Ang lahat na pwede ko ipakita't iparamdam,
Iparamdam na mahal kita at nandito lang ako,
Kung siya man ang iyong piliin,
Ang tanging magagawa ko na lamang ay sumuporta.

Sumuporta't irespeto ang naging desisyon mo,
Ngunit aking reyna sa pagkakataong ika'y makitang umiyak,
Umiyak at masaktan ng dahil sa kanya,
Sa kanya ng labis.

Lumingon kalang dito,
Lumingon kalang at makikita mo ang aking mga kamay na nakalahad,
Nakalahad at handa kang salohin,
Salohin saking bisig.

Lumingon kalang sinta,
Lumingon kalang kung nasaan ako,
Ako na handa kang ibigin,
Ibigin hanggang sa makarating sa simbahan.

Dahil kung sakali mang ika'y kanyang iwan,
Nandito lang ako't handang gawin ang lahat,
Ang lahat para hindi mona muli maranasan ang pakiramdam,
Ang pakiramdam na hindi maaari sa isang tulad mo aking sinta.

Respeto't paghihintay ang tanging makakapitan,
Makakapitan na tanging dahilan lamang ay ang pag-ibig ko sayo,
Sayo na kahit siya ang piliin mo,
Sasabihin ko parin ang mga salitang....

"Mahal kita"

Spoken Poetry
By: Alex'Sky Writes
Isinulat para kay Binibining Yssa

Spoken PoetryBy: Alex'Sky WritesIsinulat para kay Binibining Yssa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Spoken PoetriesStories to obsess over. Discover now