Kabanata 9

17 1 0
                                    

Halika rito,
Halika rito at haayaan ang iyong puso na sumugal,
Sumugal kahit na may halong pangamba at takot,
Takot na masaktan man ulit.
Halika rito at hayaang makasabay sayong paglalakbay,
Paglalakbay na tanging ikaw lang at ako.

Ikaw at ako, Ikaw na hindi kona nais pang pakawalan sa kawalan.
Kawalan na parehas nating alam na madaming nababadya,
Pero teka pwede bang sumugal ka ng tanging tayo lang dalwa ang imahe sayong isipan?
Saglit lang tayo munang dalawa,
Tayo munang dalawa sa pagkakataong ito,
Hawakan ang aking kamay na palaging nakalahad.

Lumapit ka rito,
Lumapi't hayaang tayong dalawa ang tumakbo sa kawalan,
Magkahawak kamay tatakbo't iwan silang lahat.
Iwan silang lahat at tayo munang dalwa.
Dalwa na kahit na maraming hahadlang, ay magsisilbi paring tulay.
Tulay na tayong dalawa ang tutungo't hindi bibitawan ang iyong mga kamay,
Mga kamay na ayuko nang pakawalan pa.

Spoken Poetry
By: Alex'Sky Writes
Isinulat para kay Binibining Yssa

Spoken PoetriesWhere stories live. Discover now