Kabanata 30

7 1 0
                                        

Kamusta kana?
Gabi nanaman ang dumadaan,
Gabing pwede kananaman dalawin ng kalungkotan.

Pero alam moba...
Kahit na dalawin ka ng kalungkotan ay hindi parin mababago,
Mababago ang katotohanang masaya kaparin.
Masaya ka sa presensya ng mga taong nakapaligid sayo,
Sayo na hinihiling din sa tala na ika'y tuloyang sumaya na nang walang pangamba sa puso.

Huwag kang mag-alala,
Dahil dadating kadin sa puntong ika'y masaya na talaga.
Dahil sa totoo lang iba ang dala ng iyong mga ngiti't tawa sa mga nakapaligid sayo,
Yung kahit sila mawawala ang ibang isipin makita kalang masaya.
At isa ako sa mga taong naghahangad,
Naghahangad na tuloyan kanang sumaya.

Napakaganda mo sinta,
Kung alam mo lang na hindi lang ako ang nagagandahan ng subra sayo.
Sa tuwing ngumiti ka,
Tila'y mga problema ay nababalewala na.

Hindi ka nag-iisa,
Handa kang samahan sa lahat.
Mapa kalungkotan at kasiyahan,
Handang ilahad ang mga kamay ay ilapit saking mga bisig upang ika'y yakapin.
Yakapin upang iparamdam sayo na,
Hindi sa lahat ng oras ay nag iisa kang umiiyak,
Hindi sa lahat ng oras ay kelangan mong kimkimin ng mag-isa.

Huwag mabahala,
Dahil alam kong balang araw malalagpasan morin,
Malalagpasan mo lahat ng kinagulo ng iyong puso't isipan.

Ang nais lang sabihin ay...
Sinta ang ganda mo,
Pero mas maganda ka kapag masaya ka.

Spoken Poetry
By: Alex'Sky Writes

Spoken PoetriesWhere stories live. Discover now