Kabanata 5

18 2 0
                                        

Pwede bang bumalik sa umpisa?
Umpisang tayo palamang dalawa,
Dalawa sa isang lugar na tanging tayo lamang ang nagkakaintindihan sa isa't isa,
Sa isa't isang nakakalimutan ang paglipas ng oras,
Oras na tanging may ikaw lamang at ako.

Hindi maalis ang salitang kasunod na "Pero",
Dahil para akong humihiling ng isang bituin sa langit na gustong makuha,
Makuha na imposibleng makamit.

Maaari akong bumalik,
Pero sa mga ala-alang hindi na mababago at makakalimutan pa.
Maaaring magbalik tanaw,
Pero hindi na maaaring balikan ang mismong tao,
Tao na kasamang bumuo ng mga ala-alang mananatili sakin hanggang dulo.

Mananatili na lamang ala-ala,
Pero magiging kampante parin dahil alam kong masaya ka,
Masaya kana sa piling ng iba.

"Masaya" ang tanging hiling ng puso't isipan,
Habang ako'y patuloy lang na hihiling,
Hihiling hanggang sa ako naman ang makaranas muli ng tunay na kasiyahan.

Spoken Poetry
By: Alex'Sky Writes

Spoken PoetriesWhere stories live. Discover now