Tulad ng pagkalkulasyon sa mga numero,
Numerong kailangan pag isipan ng mabuti ang mga pamamaraan,
Pamamaraang dadaanan sa iba't ibang proseso ng pag iisip,
Pag-iisip ng tamang kasagutan,
Kasagutang kailangan ay pinang isipang mabuti.Parang sa pagdedesisyon sa buhay,
Buhay mong maraming gumugulo sayong puso't isipan.
Puso't isipang hindi mapagtanto kung ano ang talaga bang nais,
Gustong matamasa muli ang tunay na pag ibig, ngunit kapag malapit nang matamasa'y biglang iiba ang ihip ng hangin.
Hangin na magpapasalamat kapang hindi mo mahawakan,
Sa kadahilanang ayaw panghawakan dala ng takot sa dating nakaraan.Nakaraan hanggang ngayon ay hindi mo mabitawan,
Mabitawan na kahit ika'y nasasaktan ay patuloy mong kinakapitan.
Mapapatanong kanalang,"Kelan kaya magiging malaya sa nakaraan?"
"Kelan kaya muling titibok ang puso na walang halong takot?"
"Kelan kaya matatamasa ang tunay na pag-ibig na nakalaan para saakin?"Madaming katanongan ngunit panahon at tadhana lamang ang makakasagot.
Spoken Poetry
By: Alex'Sky Writes
![](https://img.wattpad.com/cover/341511509-288-k709213.jpg)
YOU ARE READING
Spoken Poetries
PoesíaSa bawat katagang bibitawan, Bibitawan at mababasa ay naglalaman ng bawat damdamin, Damdaming aapaw sa bawat pagsulat. @Xandria1111