We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Kabanata 8

15 1 0
                                        

"Mayro'n ngang puso
Ngunit hindi mo nakikita ito"

Paulit-ulit iniisip kung bakit ba hindi mo nakikita,
Nakikita ang pagsusumamo ng puso,
Pusong ikaw lang palagi ang binibigkas sa bawat pantig.
Pantig na hindi morin naririnig na tila'y sinasadyang hindi marinig.

"Kahit pa tayo'y nasa sulok
'Di ka pa rin magpapasuyo"

Sa bawat kasiyahan madarama, makikita paring sa isang sulok ang kalungkotan.
Kalungkotang hindi madadaan sa pagsuyo,
Pagsuyo na sana'y pwede pang ibalik sa una.
Sa unang mas nangingibabaw ang kasiyahan,
Kasiyahang hindi maikukumpara sa iba.

"Konting pilit pa ba ang kailangan
O sadya
Konting pilit pang 'di ako ang gusto"

Kailangan pabang ipilit?
Ipilit ang pagsusumamo ng puso sa iyong pagmamahal?
Pagmamahal na hindi mawari kung naging tunay ba o isa lamang mababaw na pagtingin,
Pagtingin na kailan man diko na maibabalik.

Konting pilit panga ba?
O sadyang hindi talaga ako ang gusto?
Dahil wala nang kailangan pang ipilit kung ako man ang iyong nais,
Nais na makasama sa mundo mong hindi kona maabot.

"Kaunting silip naman
Sa aking nararamdaman sa 'yo"

Hindi mo parin ba nakikita?
Nakikitang nandito lang ako sa isang lugar,
Sa isang lugar nayong pinag iwanan.
Pinag iwanang hindi malaman kung lilisanin narin ba o mananatiling umaasa.
Umaasa't naghahangad sa imposible nang mangyari.

Silip, kaunting silip naman.
Kaunting silip naman sa isang sulok at baka sakaling makita,
Makita ang nararamdaman ko para sayo.
Para sayo na kay tagal nang nagsusumamo na iyo ding makita balang araw.

Spoken Poetry
By: Alex'Sky Writes

Spoken PoetriesStories to obsess over. Discover now