Yung oras tumigil, Tumitigil sa tuwing ika'y nakikita, Tanging ikaw lamang ang nakikita, Mga ngiti't tawa mong mas lalong nagpapangiti saakin.
Napapangiti nalang kahit na wala kanamang ginagawa. Iba kasi ang ganda mong taglay, Gandang palagi kong pinag-mamasdan. Pinag-mamasdan sa tuwing may pagkakataon, Hindi nagsasawang makita ang iyong kagandahan.
Kagandahang umaabot hanggang sayong paloob, Yung tipong kahit sino'y mahahawa sayong mga ngiti at tawa, Dahil mas lalo kang gumaganda sa tuwing nasisilayan ang iyong mga ngiti.
Sobrang ganda mo, Sobrang ganda mo sinta. Palaging ipapaalalang may kagandahan kang taglay, Sa oras na ika'y bumababa sayong sarili, Ay hindi magsasawang sabihin na...
"Tahan na, daig mo pang isang pinintang bulaklak, Bulaklak na agaw pansin, Bulaklak na hindi nakakasawang tignan, Bulaklak na tunay na may anking kagandahan.
Sinta, sobrang ganda mo"
Spoken Poetry By: Alex'Sky Writes
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.