Habang pinapakinggan ang isang musika, Musika na saya sa puso ang dulot. Dulot na hindi ko maipaliwanag, Tanging ikaw agad ang gumuhit saaking isipan.
Isang ngiti rin saking mga mata't labi ang gumuhit, Habang inaalala ang sinimulan. Sinimulan nating dalawa na magkasama, Magkasama na nawa'y habang buhay natin gagawing kayamanan. Kayamanang tayong dalawa lamang ang may nag mamay-ari, Dahil ikaw lang ang nais.
Halong tuwa't kaba, Halong tuwa't kaba ang nadarama sa tuwing ika'y nakikita at nakakasama. Nakakasama't tanging walang ibang nakikita, Nakikita't sayo lamang nabihag ang aking mga mata.
Mga matang kahit ibaling sa iba, Sa iba ang pagtingin ay siguradong sayo parin ang bagsak. Mga kilig na pasimpleng itinatago, Itinatago para hindi mapansing ikaw lamang ang salarin. Salarin sa bawat pag ngiti, Ngiti na hindi na maiwasan at mapigilan.
Magbago man ang lahat, Ngunit ang patingin ko sayo'y hindi magbabago. Magbabago dahil hanggang wakas ang tambalan natin dalawa, Nating dalawa na na kahit paglayoin man ng tadhana ay ikaw parin ang ibibigin sinta.
Spoken Poetry By: Alex'Sky Writes
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.