Dahan-dahang naglalakad sa dalampasigan,
Kung saan ako'y nag iisa,
Nag-iisa sa isang lugar na may katahimikan,
Katahimikan at magandang tanawin.
Nais mapag-isa't makalaya,
Makalaya sa pagod,
Pagod na kailangan ng pahinga.
Nais makapag isip ng walang ibang gumugulo,
Makapag-isip kung kelan nga ba matatagpoan.
Matatagpoan ang tunay na pag-ibig,
Pag-ibig na sigurado na.
Kelan nga ba?
Hindi nagmamadali,
Pero hindi maiwasang hindi mapaisip at mapatanong.
Mananahan hanggang sa alam na ang tunay na kahulogan ng pag-ibig,
Pag-ibig na ninaais din ng puso,
Pag-ibig na walang pangamba.
Patuloy kakalma,
Patuloy maglalakbay,
Patuloy mag-iintay,
Hanggang sa matagpoan na ang tunay na pag-ibig.
Spoken Poetry
By: Alex'Sky Writes
YOU ARE READING
Spoken Poetries
PoetrySa bawat katagang bibitawan, Bibitawan at mababasa ay naglalaman ng bawat damdamin, Damdaming aapaw sa bawat pagsulat. @Xandria1111
