Teaser

449K 3K 176
                                    


"Anong ginagawa mo dito?" napabalikwas sa higaan si Griselda nang mapagtanto kung sino ang lalaking namulatan niya ng mata.

"Sinusundo ko ang magiging asawa ko. Nakalimutan mo na bang ngayon ang flight natin papuntang America?" yumukod ito at inilapit nang husto ang mukha sa kanya. Napakurap-kurap na lang si Griselda.

Dumako ang tingin ni Alexander sa mga labi nito. May bakas pa ito ng tuyo na laway roon kaya napangisi siya. Ngunit habang tumatagal ay parang gusto niyang lamukusin ng halik ang mga labi nitong iyon. Nagtagis ang mga bagang niya nang muling tinaas ang tingin sa mga mata nito. He won't forget the first day he laid eyes on her and that undeniable heat he felt the first time he kissed her.

"Ma-maliligo lang ako," saad ni Griselda nang hindi makatagal sa mga titig nito. "Pwede ba? Lumabas ka nga muna?"

Alexander moved a little farther and just folded his arms. "No. I will watch you take a bath."

She literally dropped her jaw. Panic arose from her chest. "What?! Are you even serious? Panonoorin mo akong maligo kung hindi ka naman isa't kalahating malibog?!"

He just sneered at her. "I need to make sure na hindi ka tatakas sa kasal natin. At kung hindi ka pa tatayo diyan sa kama mo, baka gusto mong ako pa ang magpaligo sa iyo?"

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon