Chapter Ten

127K 1.3K 55
                                    

Nasa may kitchen si Griselda nang tawagin siya ng isang dalagitang katulong nina Alex. Saturday kasi ngayon at off niya sa resto.

"Young lady, may naghahanap po sa inyo."

This early? "Sino daw?"

"Nathan Leguarda daw po."

"Ah. Sige pakisabi sandali lang." Nginitian niya ito. "Ano nga ulit name mo?"

"Marilyn po."

"Marilyn. Huwag mo na akong tawaging young lady. Griselda na lang. Hindi ba magkaibigan na naman tayo?"

Napakamot na lang siya sa ulo. Hindi kasi siya sanay na mabait sa kanya ang mga amo. Sanay siyang laging pinapagalitan lalo na nung isa niyang amo.

Nginitian niya lang ulit ito at pumunta nang sala. Ano kayang ginagawa niya dito? Paano niya nalaman ang bahay nina Alex? Almost 1 month na rin nang huli niya itong nakita.

"Nathan." She smiled at him pero seryosong-seryoso ang mukha nito.

Nilapitan siya nito at hinawakan ang kamay niya. He even kissed her hand which made Griselda flinched. Baka kasi may makakita sa kanila.

"Can we talked somewhere else? Huwag dito." Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya at tinititigan lang siya.

"S-sige." hinila niya ang kamay niya. "Hintayin mo ako dito." Tumalikod na siya at pumuntang kwarto.

Nawi-weirdohan siya sa kinikilos ni Nathan. Parang may nagbago sa kanya.

Ang tahimik sa kotse. Hindi kasi nagsasalita si Nathan habang nagda-drive at stiff na nakaupo lang si Griselda sa front seat.

"AKIN KA."

Medyo napatalon pa siya nang magsalita ito. Ano daw? Akin ka? Akin siya? Akin ako? Ano daw ang gulo. =_=

"Ano?" Nilingon niya ito.

"Akin ka ngayong araw na ito. Akin na cellphone mo." He extended his other hand na parang hinihingi talaga ang cellphone niya.

"At baket?"

He looked at her while tilting his head. "Gris naman. Isang buwang na tayong hindi nagkikita. Miss na miss na kita. Kahit isang araw man lang ibigay mo sa akin. Nalaman ko na lang na kasal ka na. Hindi mo ba alam kung gaano ako nasaktan?"

Napayuko siya. "Nathan, huwag mo naman gawin sa akin ito, oh. Nakaka-awkward ka na eh."

"Mahal mo ba siya?" naka-stop sila noon at diretso itong nakatitig sa mga mata niya.

Nag-iwag siya ng tingin. "Hindi ko alam. Pero unti-unti napapamahal na siya sa akin."

Nathan cursed under his breath pero narinig ni Griselda iyon. Nang nag-GO signal na ay napabilis ang takbo ni Nathan.

"Nathan ano ba! Papatayin mo ba ako?" nagulat na rin siya. Naku ayaw pa niyang mamatay, no? Sayang ang miles!

"Sorry, sorry." Bumagal na ang takbo niya. Bigla niyang ginagap ang kamay nito. Hinihila nito pero ayaw niyang bitawan.

"Please, hayaan mo lang ako.." He pleaded. Weird talaga nito, eh. Hinayaan niya na lang at namintana. These are getting weirder and weirder. Hindi niya alam ang kakahinatnan ng pakikipagkita niya rito.

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon