NAKAKADALAWANG subo pa lang siya ng cereals ay humilab na ang tiyan niya. Dali-dali siyang tumakbo ng kalapit na banyo at doon ay nagsusuka pero puro tubig at laway lang naman ang isinusuka niya.
"Ate, okay ka lang?" hinihimas ni Allie ang likod niya habang kinakalma niya ang sarili.
Ilang araw na rin siyang ganito, nagsusuka sa umaga pero wala naman laman. Laging pagod at lagi na lang naiihi. Nagiging mapili na rin siya sa pagkain at ang dating ayaw niyang pabango ng kapatid ay lagi na niyang hinahanap-hanap at nagpabili pa siya ng para sa kanya. Most of all, she's not yet having her monthly period. Hindi k---
"Ate, ilang araw ka nang ganyan ah. Hindi kaya..." Nagkatinginan sila ni Allie na tila pareho ang iniisip.
*
DAHIL na rin sa hindi mapalagay na kalooban ay napagpasiyahan ni Griselda na magpakonsulta sa doctor. Out of town si Alex at may pasok ang kapatid kaya no choice kung hindi magpasama siya kay Nathan.
"Teka, Nate. Natatakot talaga ako." Pigil ni Griselda sa braso nito nang papasok na sila sa isang OB-GYNE clinic. Natatakot siyang maging positibo ang test at baka nga buntis siya.
Nginitian siya nito. "Don't worry. Magaling ang mga doctor dito. Hindi ka nila pababayaan." Iginiya siya nito papasok ng isang puting pinto at doon ay sinalubong sila ng isang duktora. Dra. Geneva Valdez ang nakalagay sa maliit na metal na nakasabit sa bulsa ng puti nitong coat.
"Mr. Evans," nginitian siya ng doktora. Mukhang kilala nito si Nathan.
"Tita, this is Griselda. The one I'm talking to you."
"Oh, is she your wife?"
Namula naman siya sa sinabi ng duktora. "Naku hindi po!" panay ang wagayway niya ng isang kamay tandang ng hindi pagsang-ayon. "We're—"
"She's my bestfriend. Magpapakonsulta lang, tita."
Ibinaling ng duktora sa kanya ang paningin at nginitian siya. "I thought. Sayang, bagay pa naman kayo. By the way hija, where's your husband?"
"Out of town po siya eh. Trabaho po," pagdadahilan na lang niya. Sa totoo lang ay hindi niya talaga pinaalam kay Alex na magpapakonsulta siya dahil gusto niya itong sorpresahin.
"Okay, come with me." Naglakad na ang duktora papasok sa isa pang natatabingan ng puting kurtina at sumunod na rin sya rito. Ngunit bago iyon ay hinila ni Nathan ang kamay niya kaya nilingon niya ito.
"Huwag kabahan, ah." Nginitian niya ito. Napakasincere talaga ng bestfriend niya. "Opo, diyan ka lang ha? Huwag mo kong iiwan."
"Hindi kita iiwan kahit kailan." Saad nito sa kanya. Parang may double-meaning iyon pero pinabayaan niya na lang. Sinundan na niya ang duktora.
*
AFTER performing a pregnancy test on her ay heto na sila ni Nathan sa harap ng mesa ni Dra. Valdez waiting for the result. Nanginginig siya sa kaba. Nathan grabbed her one hand and squeezed it. He gave her a don't-worry look. Saglit na nawala ang kaba niya.
"Mrs. Altamonte," nginitian siya ng duktora.
"Du-duktora?"
"Based on the pregnancy tests performed to you," inilahad ng duktora ang isang kamay sa kanya at nginitian siya. "Congratulations, YOU ARE 5 WEEKS PREGNANT."
Sa isang iglap ay tumigil ang mundo niya. Hindi siya nakapagsalita. Tinanggap niya ang kamay ng duktora ngunit tila nawala na rin ang kanyang pangdama. Nanlalamig siya. Tila nabingi na rin siya sa mga sumunod na sinabi ng duktora tungkol sa mga dapat iwasan ng isang buntis.
Buntis ako... buntis. May munting buhay na sa tiyan ko. Wala sa sariling napahaplos siya sa tiyan. My God, I can't believe it. I'm pregnant. Tumingin siya kay Nathan na ngayon ay nakangiti sa kanya. Bahagya nitong pinisil ang kamay niya at mukhang mas masaya pa ito sa kanya.
May kumudlit na lungkot sa puso niya. Sana si Alex at hindi si Nathan ang nasa tabi niya ngayon para malaman ang napakamagandang balitang ito.
*
PAGKATAPOS sa bahay ay agad siyang sumalampak sa sofa. Pagod na pagod na naman ang katawan niya at nagke-crave na naman siya ng vanilla ice cream. She wants Alex to buy her an ice cream pero duh? Unable to reach ang cellphone nito. Lintek na lalaki iyan, oo.
She tried calling him again at sa wakas sinagot rin nito ang cellphone. "Finally, you answered yo—"
"Ah, hi Griselda. Si Miranda ito. I'm with your husband. Teka, hindi ba niya sinabi sa iyo—"
Agad niyang binaba ang phone sa gulat. Namimintong mahulog na naman ang luha sa mga mata niya. M-magkasama? S-sila? Ang paalam ni Alex ay mag-isa lang itong pupuntang Baguio para sa isang business proposal. Pero what the hell na magkasama ang dalawa?
Tuluyan nang tumulo ang luha sa mata niya at kasabay ang pagkirot ng puso kaya napahawak siya sa dibdib. Sabi ng doctor ay bawal daw siyang mastress pero simula yata nang mabuntis siya ay naging triple na ang pag-aalala nya.
You lied again, Alex. I hate you.
BINABASA MO ANG
Deal with Mr. Arrogant
General FictionDahil baon sa utang ang kompanya at pagpapakamatay ng ama ay walang nagawa si Griselda kung 'di pumayag na ikasal kay Alexander, ang panganay na anak at susunod na CEO ng kompanyang pinagkakautangan nila. Alexander never wanted any serious in life...