LULAN ng ambulansya ay mabilis na dinala sa pinakamalapit na ospital si Xander. Duguan ang buong mukha nito at puno ng galos ang buong katawan. He's wearing an oxygen mask na siyang tanging nagsisilbihing hingahan nito dahil wala rin itong malay. Sa ganitong kalunos-lunos na kalagayan ng anak ay mas lalong nanginginig sa takot si Griselda na mawala ang anak.
"Anak, open your eyes... Please anak, please!" Nakahawak siyang mahigpit sa kamay ng anak. Liham ng luha ang kanyang buong mukha. Bakas ang takot na baka mamatay ang anak anomang oras. Ang gag*ng nakabangga rito ay tumakas na madali at iniwang nakahandusay ang bata sa gitna ng kalsada.
"ANO BA BILISAN NI'YO NAMAN!" Sigaw niya sa tsuper ng ambulansya. "Anak huwag mong iiwan si Mommy, okay? Anak please..."
*
" TULUNGAN NI'YO KAMI!"
Pagdating pa lang ng ospital ay naging mabilis na ang pagkilos ng mga nurses at doctors na naghihintay sa pagdating nila. Dahang-dahang isinakay ang bata sa gurney.
"Diyos ko ang anak ko!" Hanggang sa pagpasok ay mahigpit siyang nakahawak sa railing ng gurney kung saan nakahiga ang walang malay na anak.
"MISIS, hanggang dito na lang po kayo.." Hinarangan na siya ng isang nars kaya napahiwalay siya sa anak hanggang sa natakpan na ito ng puting tela.
Nanlulumong napaupo siya sa upuan saka napahagulgol. Diyos ko, iligtas ni'yo po ang anak ko, parang awa ni'yo na!
"ATE..." napukaw ang atensyon niya ng pamilyar na boses.
"Oh Allie!" sinalubong niya ng yakap ang kapatid at umiyak sa likod nito. Kasama nitong dumating ang kanyang Mama at lolo na agad napasugod rin nang tawagan niya.
"Ate anong nangyari?" naiiyak na rin si Allie sa hitsura ng kapatid. Sa totoo lang ay ito ang unang beses na nagkita sila pagkatapos ng limang taon nitong pagtatago hindi lang kay Alex kundi sa pamilya nito. Tapos sa ganitong kalunos-lunos na kalagayan pa niya ito matatagpuan.
"Dinala na siya sa ER. Hindi ko na alam ang gagawin ko Allie..."
Mayamaya lang ay lumabas ang mga nars tulak-tulak ang hospital bed kung saan nakahiga pa rin ang anak. Mabilis niya itong nilapitan. "Saan ninyo dadalhin ang anak ko?!"
"Ililipat ho namin siya sa ICU, maraming dugo ang nawala sa kanya!" nilagpasan na lamang siya ng mga ito at ang isa ay hinarangan uli siya dahil restricted na pinto na ang pinasukan ng anak.
"DIYOS KO!" hiyaw niya sabay takip sa bibig. Parang pinuputol ang puso niya sa sobrang sakit. Ang anak niya, posibleng m-mamatay! No, this can't be... hindi pwede mangyari ito. Hindi niya kakayaning mawala ang anak sa kanya.
MAKAILANG ORAS din silang naghintay sa labas ng ICU. Madaling-araw na pero gising pa rin ang diwa ni Griselda. Pinagpapahinga na muna siya ng kapatid pero ayaw niya. Gusto niya siya ang unang makabalita sa lagay ng anak.
Nang may lumabas na doktor sa ICU ay agad niya itong nilapitan. "Dok, kamusta ang anak ko?" nanginginig ang boses na tanong nito.
Tinanggal ng duktor ang mask nito at ibinaling ang tingin rito. "I'll be honest with you, Mrs. Hernandez. Your child is in a critical condition. He suffered an internal hemorrhage sa brain niya and he lost a significant amount of blood. Kailangan nating makakuha agad ng dugo na magmamatch sa dugo niya within 24 hours kung hindi... posibleng mamuo ang dugo sa utak niya at mamatay ang anak ninyo."
BINABASA MO ANG
Deal with Mr. Arrogant
General FictionDahil baon sa utang ang kompanya at pagpapakamatay ng ama ay walang nagawa si Griselda kung 'di pumayag na ikasal kay Alexander, ang panganay na anak at susunod na CEO ng kompanyang pinagkakautangan nila. Alexander never wanted any serious in life...